Rhen Escano umamin: Marami akong pangit at maling experience sa mga lalaki | Bandera

Rhen Escano umamin: Marami akong pangit at maling experience sa mga lalaki

Ervin Santiago |January 25,2022
facebook
share this

Rhen Escano umamin: Marami akong pangit at maling experience sa mga lalaki

Ervin Santiago - January 25, 2022 - 07:04 AM

Rita Martinez at Rhen Escano

WALA pang karanasan ang sexy star na si Rhen Escano sa pakikipagrasyon sa lesbian at never pa rin siyang niligawan o pinormahan ng tomboy.

Kuwento ni Rhen na bida sa lesbian series na “Lulu” na napapanood na ngayon sa Vivamax kasama ang proud member ng LGBTQIA+ community na si Rita Martinez, never pa niyang na-experience ang magkadyowa ng tibo. 

“Wala pa, wala rin pong nagbalak, at wala rin pong nagparamdam. Ewan ko po sa mga….ewan ko po, hindi, joke lang,” pahayag ni Rhen.

“Wala po, wala rin akong nakarelasyon or whatever, pero may mga naging friends ako, pero wala pong nagparamdam,” aniya pa.

Pero kahit na wala pa siyang karanasan sa isang lesbian, naging madali lang daw para sa dalaga ang mga eksena nila ni Rita (naging finalist sa The Voice Philippines) GL o girl’s love series na “Lulu” dahil wala raw naging ilangan habang nagsu-shooting sila.

Chika ni Rhen sa online presscon ng “Lulu”, “Masuwerte po kami ni Rita dahil pareho po kaming hindi nahirapan. Workshop pa lang, parang hindi na kami nagkaka-ilangan talaga.

“Siguro, may mga konting ganoon, pero nagamot siya agad. Hindi nagtagal, naging kumportable kami agad sa isa’t isa. And I guess, yun po ang dahilan kung bakit naging natural ang atake namin sa mga eksena namin.

“Sana makita ng mga tao yun, maging natural ang chemistry and masaya. Masaya lang kasi talaga sa set. May ganoong energy kapag kumportable ka sa mga katrabaho mo,” lahad ng sexy star.

Natanong naman si Rhen kung sumagi ba sa isip niya na sana’y naging tunay na lalaki na lang si Rita, “Kung wini-wish ko na sana si Rita is lalaki? Marami kasi akong pangit or maling experience sa mga lalaki, so sana wag na lang. Sana ganyan na lang siya.

“Kasi naging magkaibigan kami, naging close kami, nagkaka-intindihan kami. Enough na siguro yun para hindi ko na i-wish na kailangan pa niyang maging lalaki, para magkaroon kami ng ganoong connection, di ba?” pahayag pa ng aktres.

Sabi pa niya, naging komportable agad siyang katrabaho si Rita kahit na first time lang nilang magkatrabaho, “Hindi ko naman po sinasabi na parang hindi ko nakita o nahanap sa mga co-actors ko before.

“Pero parang ang natutunan ko po rito is puwede pa lang maging ganoon katotoo sa iyo yung isang tao, maging ganoon ka-open sa iyo.

“Kasi yung iba po, well, naiintindihan ko naman ang iba kung bakit hindi sila ganoon nag-o-open or nagho-hold back sila. Kami po kasing dalawa ni Rita, parang matic na naging close kami agad.

“So parang na-realize ko na puwede pala akong makahanap ng ganoong klase ng friendship inside showbiz at minsan lang po yun mangyari,” aniya pa.

Samantala, nahingan din siya ng reaksyon sa mga nangnenega sa mga pelikula at series ngayon ng Viva Films na may tema ng sex kabilang na ang isyu sa frontal nudity.

“For me, wala pong masama sa mga movies or series na nilalagyan ng ganoong klaseng eksena dahil kailangan, dahil dapat.

“Pero dito po kasi sa Lulu, ang goal e, kailangang makilala sila ng mga tao, maramdaman ng mga tao na hindi kailangan ng mga ganoong klase ng eksena. Parang mabibigyan ng justice ang mga eksena namin dito na hindi kailangang maghalikan or mga sensual scenes.

View this post on Instagram

A post shared by Rhen Escaño (@realrhen)


“Para sa akin, thankful po ako na nabigyan po ako ng chance. Alam naman po nating lahat na like sa Adan, iba naman po kasi iyon, masyadong mabigat, masyadong sensual.

“Parang napakita ko na po yung ganoong side so dito, parang nabigyan ako ng chance na paano magwo-work kung hindi ko kailangang magtanggal ng damit.

“So I guess, nag-work siya. At para sa director namin na happy siya, yun po ang patunay na hindi naman kailangang lagyan ng ganoon para masabing maganda or masabing kailangan sa palabas, e.

“And I guess, itong Lulu, isa ito sa kailangang mapanood ng mga tao para ma-realize nila na, ah okay, hindi kailangang may maghubad para panoorin nila. Nakaka-happy,” sabi pa ng aktres.

Ang “Lulu” ay isang Vivamax original series na nagsimula na last Sunday, Jan. 23. Ito’y mula sa panulat at direksiyon ni Sigrid Andrea Bernardo.

https://bandera.inquirer.net/299715/rhen-escano-posible-bang-ma-in-love-sa-lesbian-partner-niya-sa-pelikulang-lulu

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/291785/janno-nagkadyowa-ng-tibo-ako-ang-first-experience-niya-tapos-nabalitaan-ko-lesbian-na-ulit-siya
https://bandera.inquirer.net/300430/brillante-mendoza-gustong-ibandera-ang-ibat-ibang-klase-ng-lesbian-love-affair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending