Gretchen Barretto
ANG St. Lukes Global sa Taguig City naman ang pinadalhan ng ayuda ngayong araw ni Gretchen Barretto – umabot sa 3,406 sacks of rice ang nai-donate niya sa nasabing ospital.
Mabibigyan ang lahat ng empleyado ng nasabing hospital mula sa mga utility personnel, mga janitor pati na ang mga frontliners.
Nagpapasalamat din kasi si Gretchen sa mga frontliners at healthcare workers ng nasabing hospital dahil sobrang inasikaso ng mga ito ang mommy niyang si Inday Barretto noong ma-confine roon dahil sa COVID-19.
Noong Biyernes naunang pinadalhan ni Gretchen ng ayuda ang San Lazaro Hospital. Umabot sa 1,328 sacks of rice ang naihatid ng trusted friends niyang sina Anna Abiera, Grace Medina, Rusky Fernandez at Francis Simeon na sila ring mga namamahala sa pamimigay ng love boxes.
Kuwento ni Francis nang maka-chat namin ngayong hapon, “Masasarap na ngiti ang makikita sa mga mukha ng LAHAT ng medical frontliners sa San Lazaro Hospital na binahaginan ni Gretchen ng ilang sako ng bigas (na special rice talaga) last Friday.
“Sobrang laki ng pasalamat ng resident doctor na si Dr. Cherry Abrenica na contact ni Gretch na kalaunan ay naging kaibigan na n’ya rin.
“Sabi nga ni doktora, ‘ang tagal nang nagbibigay tulong ng former actress-socialite-philantrophist sa nasabing pagamutan, mga 2014 o 2015 nagsimulang magbigay ng tulong ni Gretchen dito sa amin. Dinadala pa n’ya dati ang anak n’ya (Dominique) at mga pamangkin,” sabi pa nito.
Ang Philippine General Hospital o PGH naman ang pupuntahan ng TEAM G bukas, Martes para ihatid ang 1,800 na sako ng special rice para sa mga staff at frontliners
Isusunod din bukas ng grupo nina Gretchen ang pamimigay ng bigas sa National Children’s Hospital along Eulogio Rodriquez Quezon City at National Center for Mental Health o NCMH sa Mandaluyong City.
Ang St. Lukes naman sa Quezon City ang susunod na padadalhan ng special rice ayuda at gagawan pa ito ng schedule, ayon pa sa kasamahan natin sa panulat na si Francis Simeon.
https://bandera.inquirer.net/303599/gretchen-claudine-maayos-ang-relasyon-you-are-the-most-beautiful-to-me-my-love
https://bandera.inquirer.net/292325/kim-kay-kris-i-miss-you-so-much-please-know-that-im-always-here-for-you