NATUPAD na ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda ang isa sa mga pangarap niya na pagsama-samahin sa isang bonggang party ang mga kaibigan niyang miyembro ng LGBTQIA+ community.
Talagang kinarir ng TV host-comedian ang preparasyon sa nasabing gay event na tinawag niyang “UnkabogaBall”. Ginanap ito sa sosyal na Okada Manila.
Dinaluhan ito ng mga kilala at sikat na social media personalities at mga kaibigan niya sa showbiz, partikular na ang mga proud members ng LGBTQIA+ community mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
Sa latest vlog ni Vice sa YouTube na may title na “The UnkabogaBall 2021” mapapanood ang mga naging kaganapan sa party, kabilang na ang nakakaaliw at nakakalokang pagrampa ng mga bisita.
Ayon sa nakasulat na disclaimer sa video, lahat ng dumalo sa event ay istriktong sumunod sa health protocols kabilang na ang pagsailalim sa swab test. Naganap daw ito bago pa ilagay sa Alert Level 3 ang Metro Manila.
Ilan sa mga naki-party sa pasabog na event ni Vice ay sina Paolo Ballesteros, Jervi Li or KaladKaren, Macoy Averilla or Macoy Dubs, Sassa Gurl, Krissy Achino, Pipay Kipay, Awra Briguela, ang members ng Beks Battalion at marami pang iba.
Sa pamamagitan ng kanilang social media accounts, nagpaabot ng pasasalamat sina Macoy Dubs at KaladKaren kay Vice dahil nagtagumpay itong pagsama-samahin sila sa isang masaya at makabuluhang pagtitipon.
“Ang gabi na ang lahat masaya, lahat maganda at lahat ay nagkakaisa. Masaya sa puso makita sa personal ang mga iniidolo kong personalidad mula sa social media hanggang telebisyon,” ang mensahe ni Macoy Dubs sa kanyang Facebook page.
Dagdag pa niya, “Salamat Vice Ganda dahil pinag-isa mo ang community.”
Sey naman ni Kaladkaren sa post niya sa Instagram, “A night when we all come together to celebrate our individuality, love for one another, and greatness that comes from one family!!! SAVEEEEHHHHHH. I’m so proud of these exceptional human beings!”
“Thank you Meme @praybeytbenjamin for gathering our beautiful brothers and sisters sa isang #UNKABOGABALL event!” pahabol pa niya.
Sa isang bahagi naman ng vlog, na in-upload kagabi, Jan. 23, sinabi ni Vice kung bakit niya kinarir ang nasabing event.
“Ang dami-dami natin ngayon pero hindi tayo magkakakilala. And I don’t think that’s a good thing na we belong to the same community, na nakikita natin ang mga mukha natin ‘pag nagpupunta tayo sa TikTok, ‘pag nagpupunta tayo ng YouTube pero personally hindi tayo magkakakilala,” ani Vice.
https://bandera.inquirer.net/284265/vice-umaming-nagkaproblema-sa-pagpapatawa-omg-kinakalawang-yata-ako
https://bandera.inquirer.net/288666/hindi-pwedeng-wokean-ka-lang-kailangang-nagpaparehistro-at-bumoboto-kayo