Alden nakapag-drive ng electric car sa US, binalikan ang favorite na kainan sa California

Alden Richards

MARAMING hindi malilimutang experience ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa pagbabakasyon niya sa Amerika nitong nagdaang holiday season.

Kasama ng Kapuso heartthrob ang kanyang pamilya sa ilang linggong pag-iikot sa iba’t ibang lugar sa US na na-miss daw talaga niya nang bonggang-bongga.

Sa isang episode ng morning show ng GMA 7 na “Mars Pa More”, nagkuwento si Alden ng mga naging kaganapan sa kanilang family holiday vacation.

Isa-isang ipinaliwanag ng award-winning Kapuso actor ang mga ipinakitang social media photos sa kanya na kuha nga sa ilang magagandang lugar sa California.

Sey ng binata, ang litrato niya habang kumakain ay kinuna sa favorite niyang restaurant na matatagpuan sa Santana, California.

“I keep on going back to that restaurant po kasi masarap ‘yung hot chocolate diyan, e. Tsaka diyan din po ako pumunta noong unang punta ko po diyan,” sabi ng binata.

Pero agad na nilinaw ni Alden na kahit may Omicron surge rin sa Amerika, istrikto pa ring ipinatutupad ang mga health at safety protocols doon kaya naman triple rin ang ginawa nilang pag-iingay sa kanilang pamamamasyal.

“Puwede kang hindi na mag-mask sa labas, pero kapag enclosed establishments, dapat naka-mask ka kasi hindi ka talaga papapasukin,” chika pa ng Pambansang Bae.

Excited din niyang ibinahagi ang isa pang hindi niya malilimutang karanasan sa pagbabakasyon nila sa US, ito ay ang first time na pagda-drive niya ng kotse mula sa American manufacturer na Tesla, na kilala sa kanilang electric cars.

Lahad ni Alden, “Wala po siya sa plano, to rent a car. Actually, it’s just a rental car. It’s an electric car po kasi, ‘yang Tesla. 

“Very common na po siya sa US and I haven’t driven a Tesla before. So, sinubukan ko pong mag-rent for a couple of days and then ‘yan po ‘yung ginamit naming pang-ikot sa California,” pahayag pa ng binata.

Sumunod namang inilarawan ni Alden ay ang litrato niyang nagkakape habang nakasakay sa Tesla.

Aniya, kinunan daw ito ng kanyang tiyahin noong pumunta sila sa isa pang tourist attraction doon,  ang Twin Peaks na isang elevated area sa San Francisco.


Samantala, nagbahagi rin ang TV host-actor-singer ng ilang detalye tungkol sa nalalapit niyang digital  concert na “ForwARd: Meet Richard R. Faulkerson, Jr.”

Aniya “It’s a benefit concert po for AR Foundation, and AR Foundation po is a foundation that was put for scholarships po. Nagga-grant po tayo ng scholarships sa mga bata.

“So, all the proceeds po from the concert will go directly to the foundation, for future scholars po for 2022 onwards,” sabi pa ng binata.

Pahabol pa niya, “Sa lahat po ng bumili na ng tickets, thank you so much. Sa January 30 po ‘yan, 8 p.m.”

https://bandera.inquirer.net/295319/jake-sa-mga-umarestong-pulis-hindi-ako-naglaban-hindi-ko-sila-pinahirapan

https://bandera.inquirer.net/290567/bea-may-hugot-sa-kanegahan-sa-mundo-gustong-mahawa-ang-mga-pinoy-ng

Read more...