Gladys ibinandera ang halos 3 dekadang relasyon nila ni Christopher: Yes, it’s possible, it wasn’t easy but…

Gladys Reyes, Christopher Roxas and kids

IBINANDERA ng la primera contravida na si Gladys Reyes ang tatlong dekadang relasyon nila ng kanyang pinakamamahal na asawa na si Christopher Roxas.

Kasabay ng kanilang 18th wedding anniversary, ngayong buwan din ipinagdiriwang ng celebrity couple ang kanilang ika-30 anibersaryo bilang magkarelasyon.

In fairness, talagang mapapa-hashtag couple goals at sana all sa tibay ng pagsasama nina Gladys at Christopher na nagsimula pa noong gawin nila ang iconic teleserye na “Mara Clara” sa ABS-CBN noong 1992.

Ikinasal ang mag-asawa noong 2004 at biniyayaan na ng apat na anak — sina Christoph, Aquisha, Grant at Gavin.

Pinusuan ng mga netizens ang mga throwback photos na ibinahagi ni Gladys bilang pagsalubong sa kanilang wedding anniversary, kabilang na nga riyan ang mga litrato nila noong mga bata pa.

Aniya sa caption, “From the first pic, 29 years ago, to the last photo. Almost 3 decades!! 

“Yes, it’s possible! It wasn’t easy, it wasn’t perfect but our faith made us stronger, holding on to what we have that is beautiful and rare. Happy Anniversary bebe @christopherroxas!! #29yearsoftogetherness.”


Samantala, hindi rin naman nagpatalbog sa kanyang misis si Christopher at nag-post din sa IG ng sweet and romantic photo nila together kung saan kitang-kita ang Eiffel Tower sa Paris.

Sabi naman ng aktor sa kanyang caption, “Bebe minsan lang ‘to..before the day ends just want to say luv u sooo much. salamat sa lahat…bukas bagong buhay na.”

Bukod sa pag-aartista, busy din ngayon ang mag-asawa sa kanilang mga negosyo kabilang na ang kanilang catering business at ang restaurant nila sa San Pedro, Laguna.

Gladys napamura habang sinasagot ang mga tanong ni Aiko

Ian sa isyu ni Lotlot: Sa totoo lang po, mga chismis lang talaga ang sumisira sa amin

Read more...