Bong tinawag na ‘superstar’ si Sanya: Pero sa totoo lang hindi ko pa rin po siya napi-feel

Bong Revilla, Sanya Lopez at Rabiya Mateo

BUONG-NINGNING na tinawag na “superstar” ni Sen. Bong Revilla ang Kapuso actress na si Sanya Lopez.

Kasama pa rin ang dalaga sa season 2 ng fantasy-action-adventure weekly series ng GMA 7 na “Agimat Ng Agila” na pinagbibidahan ng actor-politician at magsisimula na sa Jan. 29.

Pero napansin ng ilang members ng entertainment press na um-attend sa virtual mediacon ng “Agimat Ng Agila” na “special participation” na lang ang billing niya sa programa.

Nang tanungin nga kung maikli na lang ang exposure niya sa serye ay  hindi naman niya ito diretsahang sinagot. Aniya, “Malay niyo, sa Agimat Season 2 e, meron pala na pa-surprise para sa karakter ni Maya. Kaya abangan nila dahil talagang kapanapanabik.”

Bigla namang nahiya si Sanya nang  marinig ang mga papuri sa kanya ni Bong bilang leading lady lalo na nang tawagin sabihing isa na rin siyang superstar.

Ayon sa senador, ipinagmamalaki niya ang mga co-stars niya sa show dahil hindi lang magagaling na artista ang mga ito kundi m propesyonal pa at dedicated talaga sa kanilang trabaho.

“Makikita n’yo na lang, mahirap magyabang, makikita n’yo naman sa performance ng ating mga kasamang artista, magagaling.

“Nandiyan si Gardo Versoza, si Miss Rabiya Mateo and of course, nandiyan pa rin si Sanya na superstar na ngayon at kumbaga, na-predict natin yung maaabot niya, so I’m very happy for Miss Sanya,” pahayag ni Bong.

Reaksyon naman dito ng dalaga, “Sobrang nakakatuwa na galing pa talaga kay Senator Bong yung mga ganoon.

“Actually, hanggang ngayon hindi ko talaga ma-feel o ako lang ito, yung pagiging ganoon (superstar). Siguro yung ibang tao ang magsasabi pero hindi ko pa rin po napi-feel, pero maraming-maraming salamat Sen,” aniya pa.


Samantala, nag-react din si Sanya sa mga nagkukumpara at nagsasabing malaki ang pagkakahawig nila ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na siyang magiging bagong leading lady ngayon ni Bong sa “Agimat Ng Agila.”

Sey ni Sanya, “Madalas na napagsasabihan kaming dalawa na, ‘Uy, kamukha mo si Rabiya! Uy, Rabiya kamukha mo si Sanya!

“Marami rin ang nagta-tag sa amin, nakakatuwa naman and okay si Rabiya na kasama,” kuwento pa ni Sanya.

Reaksyon naman ni Rabiya, “Ako, grateful po talaga ako pag may nagsasabi na magkamukha kami.

“Siyempre po, Sanya Lopez iyan. Big star ng GMA and from the first time we saw each other, during the dinner, she was so kind to me,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/289127/payo-ni-bong-kay-sanya-magpakabait-ka-lang-at-huwag-lalaki-ang-ulo

https://bandera.inquirer.net/300284/dyowa-ni-brenda-mage-tinawag-na-beki-si-eian-rances-umaming-nagselos-i-love-you-babe-i-miss-you

Read more...