Seth Fedelin nangako kay Andrea Brillantes: SethDrea is forever, let’s conquer the world! I miss you…

Francine Diaz, Seth Fedelin at Andrea Brillantes

IPINANGAKO ng Kapamilya young actor at The Gold Squad member na si Seth Fedelin na pang-forever na ang tambalan nila ni Andrea Brillantes.

Ito’y sa gitna pa rin ng mga tsismis intriga tungkol sa umano’y namamagitang “something” sa binata at sa kaibigan niyang si Francine Diaz.

Ipinagdiinan na ng kampo ni Francine na fake news ang naglabasang tsismis na nililigawan ni Seth ang dalaga at lalong hindi totoo na magdyowa na ang dalawang bagets.

Kahapon, ibinandera ng young actor na panghabangbuhay na ang loveteam nila ni Andrea kasabay ng pag-amin na super miss na miss na niya ang dalaga.

Sa isinagawang digital benefit program na “Isang Daan sa Pagtutulungan”, na isang donation drive para sa mga nasalanta ng super typhoon Odette, sinabi pa ni Seth na marami pa silang gustong gawin ni Andrea.

“SethDrea will conquer the world at siguro naman sa sinabi kong ‘yun nasagot ko na ‘yung tanong n’yo (mga fans). SethDrea is forever,” ang ipinagdiinan pa ng binata.

Nagbigay din siya ng message para sa kanyang “mahal”, “Kakarating ko lang ng bahay, kakatapos ko lang kumain at maya-maya papasok na rin ako sa Zoom.

“Gusto ko lang uli ipaalala sa ‘yo kung ano ‘yung tayo, saan tayo nagsimula. Alam natin sa isa’t isa ‘yung mga bagay-bagay. Let’s conquer the world. I miss you,” mensahe pa ng Kapamilya young actor sa kanyang screen partner.

Naging hot topic sa social media ang kontrobersyal na litrato nina Seth at Francine na kuha raw noong mag-celebrate sila together ng Bagong Taon. 

Ang feeling ng mga fans ni Andrea, parang nagkakamabutihan na raw ang dalawa hanggang sa mapansin na nga ng netizens na in-unfollow na nina Francine at Andrea ang isa’t isa sa Instagram kaya lalong uminit ang chika na may gap nga sila.


Pero mismong ang manager na ni Francine na si John Ling ang nagsabing walang anumang namamagitan sa aktres at kay Seth.

Ito’y base na rin sa sagot ni John sa isang netizen na nagtanong ng, “Ano po masasabi n’yo sa issue? Boyfriend po ba talaga niya si Seth?” 

Tugon ng talent manager, “Hindi… that’s the truth 100%.”

May isa pang netizen ang nagtanong ng, “Nanliligaw po ba si Seth kay Chin (Francine Diaz)?” Na sinagot ng talent manager ng, “Nope… that’s the truth 100%.”


https://bandera.inquirer.net/302944/seth-fedelin-francine-diaz-may-something-nga-ba

https://bandera.inquirer.net/302938/andrea-brillantes-sinupalpal-ang-basher-huwag-kang-umasta-na-alam-mo-lahat

Read more...