Venus Raj nakipagrelasyon sa edad 16, umamin sa ‘major major’ mistake: Compromising my purity…

Venus Raj

NAGPAKATOTOO si Miss Universe 2010 3rd runner-up Venus Raj sa mga nagawa niyang pagkakamali at sablay na desisyon noon sa kanyang buhay.

Isa nga sa mga nabanggit niyang “major major mistakes” na nangyari sa kanyang buhay noon ay ang pakikipagrelasyon sa murang edad.

Ayon kay Venus, nagkamali man daw siya sa ilang naging desisyon sa buhay napakarami naman niyang natutunan mula rito na mas nagpatatag at nagpatapang sa kanya.

Naibahagi ito ng dating beauty queen sa bagong vlog ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube channel kung saan natanong nga sa kanya kung ano ang “major major mistake” na nagawa niya.

Pahayag ni Venus, “I think the thought that relationships would be the ultimate when it comes to having relationships with a man and compromising my purity because that’s something na parang hindi ko na mababalikan iyon, e.

“Yung mga moments na ganu’n na feeling mo that’s the best thing that you can give to someone you know that you are in a relationship with,” chika ni Venus.

Patuloy pa niya, “I think now, it would be honoring and respecting the person that I am in a relationship with.”


Sa ngayon daw, single pa rin siya at seven years na siyang walang boyfriend. Kasunod nito, napag-usapan din nila ni Toni ang tungkol sa pakikipagrelasyon niya sa murang edad.

Aniya, tila naghahanap daw siya ng father figure noong nagdadalaga siya dahil hindi nga siya lumaki sa poder ng ama. At marahil daw, isa ito sa dahilan kung bakit mas matanda ang nagiging karelasyon niya.

“The very first one, I was 16, the guy was like 28. Wala pa akong kaalam-alam sa buhay noon, para akong sunod lang kung anong sabihin, masabi lang na you are in a relationship.

“I don’t know kung anong ibig sabihin ng toxic relationship. Hindi ko alam kung paano ba iyong dynamics dapat, no idea at all.

“I was introduced to things that I shouldn’t be introduced [to]. First sexual experience and I thought, siguro ganito talaga.

“Ito siguro yung love kasi usually, ganoon naman, e. Dapat binibigay mo iyong sarili mo nang buung-buo sa tao.

“It ended after two years or one year and a half kasi he got another lady pregnant,” paliwanag ni Venus.

Paglilinaw pa niya, “At that time, hindi ko alam that there was a void. I know now, I can name that as a void when I was younger pero noong nandoon ako, hindi ko naman alam na it was called like a void, na may kulang.

“Parang pakiramdam ko lang, gusto kong may kasama sa buhay,” pahayag pa ni Venus Raj.

https://bandera.inquirer.net/293689/venus-raj-nanibago-sa-photo-shoot-was-so-conscious-about-my-body-because-i-gained-weight

https://bandera.inquirer.net/293925/kisses-umaming-marami-nang-nagawang-pagkakamali-sa-edad-17

Read more...