Christian may 2 pangmalakasang katangian na gustung-gusto ni Julie Anne; nag-collab sa ‘Everybody Hurts’

Christian may 2 pangmalakasang katangian na gustung-gusto ni Julie Anne; nag-collab sa 'Everybody Hurts'

MULING nagsama ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose at ang Asia’s Romantic Balledeer na si Christian Bautista para magbigay inspirasyon at pag-asa sa pamamagitan ng kanilang bagong single na “Everybody Hurts”.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkasama ang dalawa dahil nag-collab na rin sila nang gawan nila ng sariling rendition ang kantang “Cruisin” noong 2015.

“Always a pleasure singing with Julie whether live or sa recording or to act with her or for any project, she always brings her A-game as well. Despite what’s happening, kailangan namin ni Julie magpatuloy na maglabas ng content, mag-create ng music to connect with people and inspire people,” pagbabahagi ni Christian sa naganap na virtual presscon noong January 19.

Para naman kay Julie, masaya siya sa bago nilang collab ni Christian.

“It’s an amazing feeling to always perform with such a good friend of mine as well. He’s a mentor. I’ve always looked up to him and sobrang grabe, ang dami niyang baon.

“And dami niya laging kwento and ‘yung kung paano siya as a person nagre-reflect sa trabaho niya. And that’s one of the things that I really admire about Christian. It’s his professionalism and his wisdom,” saad ni Julie.

Pero ano nga ba ang kaibahan ng kanilang bagong single sa iba pang kanta.

Inilarawan ito ni Christian na tila reminder sa isang kaibigan o sa partner na minsan, kahit anong gawin mo ay hindi mo maiiwasan na masaktan kahit pa ginawa mo na ‘yung best mo.

“Parang nire-remind sa ‘yo na it’s part of it, it’s part of life…

“May ibang mga kanta na parang laging hope, and faith, and everything’s gonna be okay, everything’s gonna be alright pero in reality, everything’s not gonna be alright. After a while, masasaktan ka na naman.

“Parang this song is like a process. Pina-process niya ‘yung pain with a friend, that someone you can trust at pina-promise na kahit anong mangyari, hindi kita iiwan,” sey ni Christian.

Para naman kay Julie Anne, para itong reassurance na sa kabila ng pagiging malungkot ay darating rin ang panahon na magiging okay ang lahat.

“When you listen to this song, mapi-feel mo na alam mo ‘yun? Nakaka-uplift rin kasi ng spirit and it’s a reassurance na lahat tayo, we feel hurt, we are down sometimes but for sure there are better days if you just keep the faith, you keep your head up high.

Sey pa niya, kahit ang pinakamalakas na tao ay kinakailangan ring isalba paminsan-minsan at nasa sa ‘yo pa rin kung paano ito gagawin dahil hindi naman maaring ma-stuck na lang forever ang isang tao sa kanyang sitwasyon.

Saktong-sakto naman ang kantang “Everybody Hurts” lalo na’t halos lahat ng tao maski sa iba pang bansa ay nakakaramdam ng takot at pangamba dahil sa hindi pa rin natatapos na COVID-19 pandemic.

Maaari na ring i-stream ang “Everybody Hurts” sa Spotify, Apple Music, at sa lahat ng digital platforms simula ngayong araw, January 21.

Related Chika:
Julie Anne sa pagkabigo sa pag-ibig: Bakit? Ako ba yung nagkulang, saan ako nagkamali?

 

Read more...