Target ni Tulfo by Mon Tulfo
NAIYAK ako sa tuwa nang mabasa ko ang report na inatasan ng Supreme Court ang mababang korte na rekisahin ang kasong “Vizconde massacre” sa kahilingan ni Hubert Webb.
Susuriin ang DNA sa semilya ni Hubert Webb at ihahambing ito sa semilya na nakuha kay Carmela Vizconde, ang 18 anyos na biktima, na ginahasa bago pinatay sa karumal-dumal na krimen.
Sa wakas, sabi ko sa aking sarili, maaaring mapapatunayang inosente si Webb, anak ng dating Sen. Freddie Webb, at ang kanyang mga kasamahan nahatulang ng habambuhay na pagkabilanggo.
Kapag maingat ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagtago o pag-preserve ng mga semilya na nakuha kay Carmela, tinitiyak ko sa inyo na mapapawalang-sala sila.
My prayers, as well as those of the prayers of the victims and their families, were answered.
Matatandaan na si Webb at anim na ibang kalalakihan ay hinatulan ng korte sa pagpaslang kina Carmela, ang 47 na taong gulang ina ni Carmela na si Estrellita, at ng kanyang 7-year-old na kapatid na Jennifer.
Ang karumal-dumal na pagpatay sa mga Vizconde at paggahasa kay Carmela ay naganap noong June 30, 1991.
Nakita ko sa Vizconde massacre ang hindi makatuwirang paghusga ng publiko sa mga akusado na hindi nila alam ang puno’t dulo.
Basta ang alam ng publiko ay may kasalanan ang mga akusado—tapos!—at wala na itong pakialam sa panig ng mga nasasakdal.
I got personally involved in the controversial case dahil ipinagtanggol ko sina Webb.
Naging demonyo ako sa mata ng publiko dahil sa aking pagdepensa kay Webb at ng kanyang kapwa nasasakdal.
Bakit ako napasok sa gusot na sumira ng aking magandang reputasyon bilang kolumnista na ngayon lang unti-unting nabalik?
Meron akong programa noon sa RPN 9 na ang pamagat ay “Action 9” at kasama ko sina Rey Langit at Angelique Lazo.
Para maka-scoop kami sa Action 9, pumunta ako ng US kasama ang aking cameraman na si Perry Pimentel.
(Note: I paid for my plane fare and hotel accommodations, as well as those of Pimentel’s, para sa proyektong yun. It was a big scoop)
I interviewed people who said that Webb was indeed in the US during the massacre and he arrived there two months before.
I’d like to mention here that ang ating National Bureau of Investigation (NBI) ay hindi nagpadala ng imbestigador sa US to check on Webb’s claim that he was there.
Kabaligtaran ito sa Federal Bureau of Investigation (FBI) na nag-assign ng isang ahente na nakalimutan ko na ang pangalan.
Although my path and the FBI agent’s did not cross, napag-alaman ko na may inasayan ang FBI na ahente na mag-imbestiga sa sinasabi ni Webb na siya’y nasa America nang maganap ang krimen.
Ang resulta: Tumestigo ang US State Department para kay Hubert, pero ang testimonya ay ibinasura ni Judge Amelita Tolentino, na ngayo’y associate justice na ng Court of Appeals.
Gayon din ang inyong lingkod pero ang aking testimonya ay wala ding saysay kay Tolentino.
Kung ano ang aking napatunayan sa pagpunta ko sa America—na naroon talaga si Hubert—ay ganoon din ang imbestigasyon ng FBI.
Pero walang pakialam si Tolentino kung ano man ang aking findings at ng FBI.
Ang sa kanya ay mapaligaya ang publiko na sumisigaw ng dugo ni Hubert at ng kanyang kasamahan.
Alam ko na sa pagdating ng araw ay mapapatunayang mga inosente sina Hubert Webb dahil hindi natutulog ang Diyos.
* * *
Mainitan ang laban nina Councilor Junjun Binay, anak ni incumbent Makati Mayor and vice presidential candidate Jojo Binay, at Vice Mayor Ernesto Mercado sa pagka-alkalde ng Makati.
Marami nang siraan sa kampo ng isa’t isa.
Sa mga surveys, si Binay ay lumalamang kay Mercado.
Wala akong pinapanigan sa dalawa, pero ang hindi alam ng karamihan sa Makati ay ito: Halos lahat ng proyekto sa Makati, kung saan napamahal ang mga taga-Makati kay Mayor Binay, ay mga brainchild ni Mercado.
Of course, dahil si Binay ang mayor at alipores lang niya si Mercado, ang credits ay napunta kay Mayor Binay at hindi kay Mercado.
Si Mercado kasi ang think-tank o “utak” ni Binay.
Bandera, Philippine news, 042710