It's Showtime laglag kay Vice Ganda: Mas mataas talaga magbigay ng premyo ang Eat Bulaga | Bandera

It’s Showtime laglag kay Vice Ganda: Mas mataas talaga magbigay ng premyo ang Eat Bulaga

Ervin Santiago |January 20,2022
facebook
share this

It’s Showtime laglag kay Vice Ganda: Mas mataas talaga magbigay ng premyo ang Eat Bulaga

Ervin Santiago - January 20, 2022 - 08:22 AM

Vice Ganda at Ogie Alcasid

NAGPARINIG na naman ang TV host-comedian na si Vice Ganda tungkol sa pagkakaiba ng “It’s Showtime” at ng kalaban nilang programa tuwing tanghali na “Eat Bulaga.”

Partikular na nabanggit ng Kapamilya star ang tungkol sa mga papremyo ng Kapuso noontime show at ng ipinamimigay na cash prize ng kanilang programa sa ABS-CBN.

Buong-ningning na ibinandera ni Vice on national TV na mas malaki raw ang ipinamimigay na premyo ng “Eat Bulaga” araw-araw kesa sa “It’s Showtime.”

Nangyari ito sa episode ng programa nina Vice last Jan. 19, sa segment na “Showtime Sexy Babe” habang nagkukuwento ang contestant na si Mary Rose Palma.

Ani Mary Rose nagsimula raw siyang mag-join sa mga beauty pageant noong 13 years old pa lamang siya. 

Kasunod nito, tinukso nga si Vice ng kanyang nga co-host na sina Vhong Navarro at Ogie Alcasid at tinanong kung naranasan na ba niyang sumali sa mga gay beauty contest.

Chika ni Vice, noong kabataan niya, hindi siya pinapayagan ng kanyang yumaong tatay na mag-join sa kahit anong klase ng contest.

“Noong bata naman ako, ayaw ako pasalihin ng contest. Feeling ko kasi, iyong tatay ko, lider-lideran doon sa lugar namin. Feeling ko natatakot siyang mapahiya.

“E, ako naman, okay lang naman ako. Lagi nga akong natatalo dati. I had my fair share of losses,” sabi pa ng Kapamilya TV host.

Ipinaalala naman ni Ogie kay Vice na madalas rin siyang manalo noon sa mga singing contest sa TV, tulad ng “The Singing Bee” sa ABS-CBN at sa isang segment ng “Eat Bulaga” sa GMA 7.

View this post on Instagram

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Sumang-ayon naman si Vice kay Ogie kasabay ng pagsasabing mas galante ang “Eat Bulaga” sa pamimigay ng bonggang premyo kumpara sa kanilang noontime show.

“O, di ba? Magkano rin iyon, five thousand sa Eat Bulaga! Mas mataas talaga magbigay ng premyo ang Eat Bulaga! kaysa Showtime, e!” chika ni Vice.

Kinontra naman ito ng co-host nilang si Jugs Jugueta pero nanindigan si Vice at natatawang ipinagdiinan ang kanyang sinabi, “Mas malaki talaga pera doon, e!

“Kahit ako contestant, doon ako sasali, e. Hindi dito. Masaya dito pero maraming pera sa kabila!” hirit pa ng partner ni Ion Perez.

Habang tawa pa rin nang tawa, bigla namang kumambyo si Vice at sinabing nagpapatawa lang siya, “Charot lang! Ang pangit kong host.

“Saan ka nakakita, host ka ng Showtime pero fan ka ng Dabarkads!” ang sumunod pang hirit ni Vice Ganda.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ikinumpara ng komedyante ang programa nila sa kalabang “Eat Bulaga”. Noong 2017, naikuwento rin ni Vice sa co-host niyang si Anne Curtis na nag-join din siya sa contest ng “Eat Bulaga” na “O Diva.”

Isa itong singing contest kung saan ang ginamit pa niyang pangalan ay Ingrid Montecarlo. Talaga raw nanonood siya ng “Eat Bulaga” noon at hanggang ngayon (paminsan-minsan).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inisa-isa pa nga niya ang mga singing contest noon sa Kapuso noontime show, “Ano ba ang mga singing contest sa Eat Bulaga? ‘Birit Queen,’ ‘O Diva,’ ‘Search for the Singing Soldier,’ ‘Doble Kara.’”

Wish ni Ogie tinupad ng Showtime, madlang pipol nag-enjoy: Laughtrip kahit wala si Vice!

Kilalang TV host hindi na pinabalik sa dating programa; nawalan din ng mga raket

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending