Vivoree Esclito
HANGGANG ngayon ay parang nananaginip lamang ang Kapamilya young actress na si Vivoree Esclito sa gitna ng patuloy na pagbibigay sa kanya ng mga proyekto ng ABS-CBN.
Feeling ni Vivoree “too good to be true” ang mga natatanggap niyang blessings sa kanyang buhay at careet kahit patuloy pa rin ang banta ng pandemya.
Para sa dalaga at dating “Pinoy Big Brother” housemate, ang sunud-sunod na trabahong ibinibigay sa kanya ng Kapamilya Network ang kapalit ng mga paghihirap at pagsasakripisyo niya noon.
“Sa mga napagdaan ko and experiences in life, it honed me more.
“It made me become a better person, made me become better artist. Sa lahat ng mga blessings na natatanggap ko, sobrang grateful talaga ako,” pahayag ng aktres sa panayam ng Star Magic.
Aniya pa, “I feel very blessed talaga. Hindi ko alam kung ano ginawa ko to deserve all of these. Sobrang happy ako.”
Pangako pa ni Vivoree sa lahat ng mga taong nagmamahal at nagtitiwala sa kanya, mas pagbubutihin pa niya ang kanyang trabaho para hindi mapahiya sa madlang pipol.
Siyempre, hindi niya nakalimutang pasalamatan ang pamilya niya pati na ang lahat ng kanyang fans na patuloy na sumusuporta at nagtatanggol sa kanya mula sa bashers at haters.
“Sila yung nagpapatibay sakin. They keep me grounded talaga. When you’re working, minsan may tendency ka to forget na meron kang family, forget na meron kang home, forget na may pinanggagalingan ka.
“But when you go home and see your family, this is where I truly belong,” sabi pa ng dalaga.
Si Vivoree ang bida sa episode na “QR Code” ng bagong season ng “Click, Like, Share” kung saan gumanap siya bilang isang security guard sa gitna ng pandemya.
Napanood din siya noon sa “Huwag Kang Mangamba”, “He’s Into Her,” at “Hello Stranger”. Nagpakitang-gilas din siya sa huling season ng “Your Face Sounds Familiar”.
https://bandera.inquirer.net/302619/vivoree-esclito-nabiktima-na-rin-ng-sindikato-sa-socmed-ginamit-ng-mga-scammer-para-manloko
https://bandera.inquirer.net/288996/alex-gonzaga-patuloy-ang-pagrereyna-sa-youtube