Kylie Padilla may gustong regalo sa 29th birthday: LOL! Nanay na talaga ‘ko!

Kylie Padilla, Alas at Axl Abrenica

SUPER excited na ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa nalalapit niyang birthday. She’s turning 29 na sa darating na Jan. 25.

Nag-post ang celebrity mom sa kanyang Instagram page ng super cute na litrato nila ng kanyang bunsong anak na si Axl kalakip ang kanyang birthday wish.

Sabi ni Kylie, sa nalalapit niyang kaarawan, may naiisip na siyang “bestest” birthday gift na gusto sana niyang matupad, pero hindi raw ito para sa pansarili niyang kaligayahan.

Ang isinulat niyang caption sa litrato nilang mag-ina, “Lapit na bday. Wish ko? Maging healthy ang pamilya ko lalo na mga anak ko.”

Dugtong pa ng aktres, “And for gifts? There is this climbing frame playground thing I want for my boys LOL nanay na talaga ako.”

Sey pa ng estranged wife ni Aljur Abrenica, ganu’n daw siguro talaga ang mga magulang, mas inuuna palagi ang kaligayahan ng mga anak kesa sa sarili.

“They are the bestest gifts ever given to me,” sabi pa ni Kylie.


Sa isang Instagram post ng Kapuso star, sinabi niyang talagang binago ng pagiging ina niya ang ilang pananaw at paniniwala niya sa buhay, kabilang na ang kahulugan ng tinatawag na “unconditional love.”

“Being a young mom is not an easy thing… but it’s so strange. Motherhood has always been such a pivotal thing for me.

“I am naturally inclined to give more of myself to my family BUT also at the same time I find a new kind of drive to pursue all of my other dreams. I would have never tried to pursue them if I still had my old mentality, before I had kids,” pahayag ng celebrity nanay.

“It is difficult to juggle and sometimes mom guilt gets the best of me but I respect the fact that I can’t give my family the best version of me if I can’t give myself the chance to grow in all my other talents and grow as a person. I’ll be forever grateful we shared our growth together,” sabi pa ni Kylie.

Last year, tuluyan nang naghiwalay sina Kylie at Aljur bilang mag-asawa ngunit sinuguro naman nila na hindi masyadong maaapektuhan ang mga anak nilang sina Alas at Axl sa kanilang break-up.

https://bandera.inquirer.net/301873/kylie-gumawa-ng-tula-para-sa-2-anak-nila-ni-aljur-mama-is-not-perfect-but-mama-will-try-her-best

https://bandera.inquirer.net/288821/kylie-padilla-nagpatutsada-tungkol-sa-sumpa-may-hugot-sa-isyu-ng-pera

Read more...