DINAYO ng beteranong broadcaster na si Bernadette Sembrano ang actress-vlogger na si Alex Gonzaga sa taping nito sa kanyang noontime show na “Lunch Out Loud”.
Pagbabahagi ng broadcaster, balak niyang magpaturo kay Alex at humingi ng mga tips kung paano mag-vlog dahil nagsisimula na rin siyang pasukin ang mundo ng vlogging.
“Na-inspire rin ako sa kanya dahil sa kanyang pagsye-share tungkol sa kanyang personal life,” saad ni Bernadette.
Pag-amin pa niya, hindi daw talaga sila close ni Alex pero dahil sa panonood ng vlogs nito ay parang nagiging familiar na siya at parang nalalaman niya na kung ano ang pagkatao ng bunsong kapatid ni Toni.
Nang makarating na siya sa dressing room ni Alex ay nagka-kwentuhan na sila pero dahil nga ongoing ang taping ni Alex ay kinakailangang putulin muna ni Bernadette ang kanilang chikahan.
Habang naghihintay kay Alex ay nagdesisyon siya na lumibot sa taping ng “Lunch Out Loud” at nabigla siya nang makita ang mga pamilyar na mukha sa production.
Halos lahat ng nakikita niya ay mga nakatrabaho niya sa ABS-CBN kaya naman hindi na nanibago at parang at home lang ang pakiramdam ni Bernadette habang nasa taping.
“Natutuwa ako dahil true enough, puro Kapamilya ang nandito,” pagbabahagi niya.
Napahagulgol naman bigla ang broadcaster habang naglilibot.
“Naiiyak ako kasi nandito na silang lahat ng mga kasama natin. 90% raw galing sa ABS-CBN.
“Kaya naman ako naiyak kasi naalala ko ‘yung hirap na pinagdaanan. Ang tawag ko sa kanila, forever kapamilya,” dagdag pa ni Bernadette.
Mas napahagulgol pa siya nang makita ang mga taong naging malapit sa kanya noon sa ABS-CBN.
“Oh my God… Hindi ko in-expect na iiyak ako dito. Ano ba yan, nagba-vlog ako. Wala na akong na-shoot.
“Nandito tayo para i-vlog si Alex. Hindi ko alam na ang makikita ko pala rito ay mga dating kasamahan natin sa ABS-CBN.
“Sobrang emotional ako especially when I think about what we went through kasi ngayon kapag iikot kayo sa ABS-CBN, mukha na kaming ghost town,” naluluhang saad ni Bernadette.
Matatandaang noong 2020 nang mapilitang magbawas ng mga empleyado ang ABS-CBN dahil sa hindi pagkaka-renew ng kanilang prangkisa na talagang naging malaking dagok hindi lang sa pamunuan ng isa sa mga giant networks kundi pati sa libo-libong pamilya ng mga Kapamilya na nahtatrabaho sa nasabing network.
Related Chika:
Bernadette nagulat nang magpositibo sa COVID: Kasi wala akong nararamdaman, I feel healthy
Bernadette Sembrano may mga paalala bilang Covid survivor