Danica Sotto tinamaan ng COVID-19 pagkatapos magpa-booster shot, 2 anak nahawa rin

Danica Sotto, Marc Pingris, Michael at Caela Pingris

CERTIFIED COVID-19 survivors na ring maituturing ang dating TV host-actress na si Danica Sotto at ang dalawa nilang anak ni Marc Pingris.

Nagpositibo sa coronavirus si Danica two weeks ago pati ang mga anak na sina Michael at Caela kaya naman kinailangan nilang mag-self-quarantine at magpalakas ng immune system.

Nag-post ang anak nina Bossing Vic Sotto at Dina Bonnevie sa Instagram ng kanilang family photo kalakip ang good news na sabay-sabay din silang naka-recover sa nakahahawang virus.

“Healthy and Covid free!!!! Thank you Lord for your healing!!!!” ang bahagi caption ni Danica sa kanyang IG post kung saan ipinakita rin niya ang kanilang mga negative test results.

Kuwento pa ni Danica, nag-positive siya sa COVID-19 dalawang araw matapos siyang maturukan ng booster shot. 

Feeling daw niya nu’ng una ay nakararanas lamang siya ng side effects mula sa booster shot pero nang medyo lumala ang kanyang pakiramdam (nagka-sore throat at sumakit ang buong katawan) ay nagpa-swab test siya uli.

Bukod nga rito, pati ang mga anak nila ni Marc ay naka-experience rin ng sore throat, pananakit ng katawan at lagnat.

Todo naman ang pasasalamat ni Danica na hindi nahawa ang asawang si Marc at ang kanilang mga kasambahay. 

Narito ang kabuuan ng IG post ng dating TV host, “I tested positive for covid 2 weeks ago, two days after my booster shot. I thought side effects lang ng booster but when I woke up with sore throat and body aches I knew I had to take another test at yun na nga nag positive na. 

“The kids started having symptoms 2 days after I had mine. They had sore throat, body aches and fever. Thankfully Marc and our helpers/angels at home were spared at wala na nagkasakit pa. I’m just so glad that it’s finally over! THANK YOU LORD!!!! 

“Thank you to our Super Dad @jeanmarc15 for taking care of us! Love you! Thank you to my family and friends who kept messaging us. Thank you so much for your prayers. Thank you to our Doctor friends at sorry sa pangungulit,” aniya pa.

“Things I learned from this experience:

*Pray and stay strong! God is our healer amd he wants us well. 

*Having a healthy body is so important! Mas mabilis ang recovery and pls get vaccinated. *Listen to your body. Get tested after a few days when you feel something is off or when you are exposed to someone who is positive. 

*If you have no way of getting tested and you know you were exposed or might be positive, pls stay home! Mag self quarantine ka na. 

*Get help. There’s nothing to be ashamed of. Mas ok if may nasasabihan ka. 

*Take your supplements like Vitamin D, Zinc, Vitamin C.

*Follow the quarantine guidelines. Even if you feel ok na, tapusin ang quarantine. Some symptoms show up after 2-3 days pa.”


“Sending virtual hugs and prayers to those who are still sick and recovering. Stay strong. God will help you get through your battles. 

“Isaiah 41:10…So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand,” ang pagbabahagi pa ni Danica.

Ilan pa sa mga celebrities na hindi nakatakas sa bagsik ng COVID-19 ay sina Iya Villania, Pia Wurtzbach, Ina Raymundo, Arnold Clavio,  Tuesday Vargas, Karen Davila, Vico Sotto, Troy Montero at marami pang iba.

https://bandera.inquirer.net/285357/marc-pingris-inamin-ang-tunay-na-dahilan-ng-pagreretiro-sa-pba-danica-anak-napaiyak

https://bandera.inquirer.net/292878/danica-marc-ibinandera-ang-sikreto-sa-14-years-na-pagsasama-bilang-mag-asawa-bawal-magbanta

Read more...