Jodi super favorite raw ng ABS-CBN kaya sunud-sunod ang trabaho: Grabe naman, nagkataon lang siguro…

Jodi Sta. Maria

KUNG may isang Kapamilya actress na masasabing napakaswerte sa panahon ng pandemya, yan ay walang iba kundi si Jodi Sta. Maria.

E, kasi nga, talagang hindi siya nawalan ng proyekto sa ABS-CBN kahit na nawalan na ito ng prankisa at dumagdag pa nga ang pagkakaroon ng health crisis sa buong mundo.

Nitong mga nagdaang taon, sa kabila ng mga pagbabago sa takbo ng entertainment industry, sunud-sunod pa rin ang paggawa niya ng mga teleserye.

Pagkatapos na pagkatapos ng kanyang seryeng “Ang Sa Iyo Ay Akin” (2020-2021), siya pa rin ang napiling bumida sa “The Broken Marriage Vow,” ang Philippine adaptation ng “Doctor Foster” ng BBC.
Kaya naman hindi maiiwasang maisip ng madlang pipol na mukhang totoo ang chika na super favorite nga siya ng ABS-CBN.

Sa ginanap na virtual press conference, natanong ang aktres kung ano ang masasabi niya sa isyung ito at kung nararamdaman niya na paborito nga siya ng network.

“Grabe naman. Nagkataon lang siguro na nagkasunod-sunod. I think we are all treated naman fairly sa station.

“Marami ring tao siguro, maaaring lumipat o maaaring ayaw muna magtrabaho. Natatakot dahil may pandemic.

“So, may mga tao naman na willing mag-work so nagkataon lang na ganu’n siya. Hindi dahil sa favoritism,” paglilinaw ni Jodi.

Samantala, inamin ng aktres na dream come true para sa kanya ang gagampanang role bilang si Dr. Jill Ilustre sa “The Broken Marriage Vow”. Siya ang magiging legal wife sa kuwento ni David Ilustre to be played by Zanjoe Marudo na mai-involve naman sa babaeng mas bata sa kanya, ang yoga instructor na si Lexy Lucero na gagampanan ni Sue Ramirez.


“I’m actually grateful na hindi man ako doktor sa totoong buhay, kahit papaano naisabuhay ko ‘yung isang pangarap na mayroon ako,” ani Jodi.

Patuloy pa niyang pahayag, “If there’s one thing na similar kami ni doktora Jill, when we put in a situation kung saan medyo difficult, we try as much as possible to stay calm and collected. Para maging logical as much as possible.” 

“Our lives are moving in the direction of our decisions. Whether babae ka or lalaki ka, kung anong desisyon ‘yung ginagawa mo sa buhay mo, may direct effect sa ‘yo, sa asawa mo, sa pamilya mo. 

“It can even go as far sa friends and those people around you. We have to be wise in making choices and decisions. Natutunan ko kay Dr. Jill, there is always a life after a heartbreak,” lahad pa niya.

Magsisimula na ang “The Broken Marriage Vow” sa Jan. 24, 8:40 p.m. sa Kapamilya Primetime Bida lineup.

https://bandera.inquirer.net/303073/jodi-inatake-ng-psychological-sepanx-after-ng-lock-in-taping-sa-baguio-nasa-real-world-na-ba-ako
https://bandera.inquirer.net/303030/jodi-mas-pipiliin-ang-magpatawad-kesa-maghiganti-kapag-niloko-ng-asawa-its-for-your-own-peace

Read more...