Lolit Solis awang-awa kay Lucy Torres: Tama naman siya…

Lolit Solis awang-awa kay Lucy Torres: Tama naman siya...

HINDI napigilan ng talent manager at kolumnistang si Manay Lolit Solis ang maawa kay Leyte Representative Lucy Torres-Gomez na kasalukuyang binabatikos ngayon dahil sa kanyang statement ukol kay presidential aspirant Bongbong Marcos.

Ayon kasi kay Lucy Torres, maituturing na “destiny” kung sino man ang mananalong presidente sa darating na eleksyon at tanging Diyos lamang ang nakakaalam nito.

“And I’d just like to say that if it is in God’s plan for BBM to be our next president, may you be one of the best this country has ever had and I wish you well, I wish you every success… you being the most vilified perhaps also because you are the most popular, for every curse is a blessing,” dagdag pa ni Lucy.

Sey naman ni Manay Lolit, “Tama naman siya, kahit sino walang makahahadlang pag destiny ng isang tao ang isang bagay. Kung talagang nakaguhit sa palad ni BBM ang maging Presidente gaya ng ama na si Ferdinand Marcos, ano ang magagawa natin?

“Ang tagal na nasa gobyerno ni BBM, puwede naman siguro na ijudge siya sa sarili niyang ginagawa at hindi na duon sa mga naganap ng nakaraan. Lahat binato na sa kanya, lahat ginagawa para hindi siya makatakbo, pero heto, parang mas lalo pa siyang pinapanigan ng tao.”

 

 

Ang nakaraan na sinasabi ni Lolit ay ang mga kasong kinaharap at patuloy na kinakaharap ngayon ng pamilya ng Marcoses gaya na lamang ng mga kasong nangyari noong Martial Law ag ang kanilang ill-gotten wealth.

Dagdag pa ni Manay Lolit, “Let destiny decide, tutal naman maayos ang eleksiyon natin, demokratiko ang paraan, let the winner do the job. Kung sino ang iboto ng tao, kung sino piliin nila, igalang natin, tanggapin natin.”

Hinangaan din ni Manay Lolit ang pagiging open ni Lucy sa paninindigan nito sa pagpili ng kanyang presidente.

Pero hindi lahat ay kaparehas ni Manay Lolit lalo na’t hindi lahat ay parehas ang dinanas noong panahon ng pamumuno ng ama ni Bongbong.

Sabi nga ng isang netizen na si JR Santiago sa statement ni Lucy, “Listing down their numerous sins and crimes against our country is not vilifying them. We’re just stating facts. And not just because your family benefited much from the Marcoses dictatorship, it means that the rest of the country did.”

Anyway, nawa’y matuto na ang mga Filipino ngayong darating na eleksyon at nawa’y iboto ang nararapat sa pwesto hindi lang dahil sa popularidad bagkus sa kakayanan nitong magbigay serbisyo sa mamamayan dahil deserve nating mga Pilipino ang maayos na pamumuno.

 

Related Chika:
Lucy may ibinubulong kay Richard kapag uma-attend ng kasal: Hala, tutulo na ang luha niyan!

 

Read more...