Kylie Padilla may taong pinatatamaan tungkol sa ‘closed mentality’: I regret having you as a memory…

Kylie Padilla

SINO kaya ang pinatatamaan at tinutukoy ng Kapuso actress na si Kylie Padilla sa bago niyang cryptic message sa Instagram?

May malalim kasing hugot ang estranged wife ni Aljur Abrenica tungkol sa taong may “closed mentality” at pinagsisisihan niya na nakilala pa niya ito.

Ibinandera niya ito sa Instagram last Saturday, Jan. 15, kalakip ang litrato ng karagatan kung saan makikita ang paglubog ng araw.

Dito, ipinagdiinan ng aktres na hindi raw siya naniniwala sa “regrets” ngunit ganito raw ang nararamdaman niya kapag naaalala ang anumang bagay na may konek sa taong ito.

Pahayag ni Kylie, “Your lack of empathy reflects on you not me, I just have to remember, My Worth is not based on your closed mentality.

“I let it go, I set myself free. I don’t believe in regrets, But I regret having you as a memory,” ang makahulugan pang mensahe ni Kylie. Nilagyan pa niya ang kanyang post ng kanyang initials na “knp” o Kylie Nicole Padilla.

Bukod dito, nag-post din ang anak ni Robin Padilla sa Instagram Story ng quote card na pinaniwalaang para pa rin sa taong pinariringgan niyang tao.

Nakasaad sa kanyang IG Story, “ANGELIE JOLIE ONCE SAID: Be careful with how much you tolerate. You are teaching them how to treat you.” 


Samantala, nag-share rin si Kylie ng inspiring message para sa mga kababaihan na aniya’y natutunan niya mula sa isang empowered woman.

“A wise woman once told me every strong woman will be called crazy at some point in her life, it comes with the territory,” ang caption na isinulat niya sa ibinahaging litrato sa Instagram.

Aniya pa, “And she said embrace it. Do not run from it. Claim it. Roar even louder, show some teeth. Only those who are worthy will know how to tame the wild inside you.”

Hinikayat din niya ang lahat, “to stay wild and run with the wolves.”

Single mother na ngayon si Kylie matapos makipaghiwalay kay Aljur ngunit siniguro ng aktres na maayos na ang co-parenting agreement nila ng nakahiwalay na asawa.

Ikinasal sila noong 2018 at naghiwalay last year. Biniyayaan sila ng dalawang anak, sina Alas at Axl na nasa pangangalaga pa rin ngayon ni Kylie.

https://bandera.inquirer.net/297860/julie-anne-umaming-super-close-sila-ni-rayver-pero-walang-malisya-hes-such-a-good-friend
https://bandera.inquirer.net/284608/tambalang-donny-belle-may-kakaibang-magic-mas-naging-close-sa-hes-into-her
https://bandera.inquirer.net/298797/chie-filomeno-mine-message-na-ni-kyle-bago-pa-sila-pumasok-sa-pbb

Read more...