4 na bida ng ‘Prima Donnas’ keribels nang magka-loveteam pero handa na bang magka-boyfriend?

Sofia Pablo, Jillian Ward, Althea Ablan at Elijah Alejo

NGAYONG araw na, Jan. 17, magsisimula ang pinakaaabangang book 2 ng hit family drama na “Prima Donnas” sa Afternoon Prime ng GMA 7.

Pagbibidahan pa rin ito ng mga Kapuso teen actress na sina Althea Ablan, Sofia Pablo, Elijah Alejo at Jillian Ward, sa direksyon pa rin nina Gina Alajar at Philip Lazaro.

Sa ginanap na virtual mediacon ng serye, game na game na sinagot ng mga bagets ang mga tanong ng press, kabilang na ang tungkol sa pagkakaroon ng ka-loveteam at seryosong pakikipagrelasyon sa edad nila ngayon.

Una munang sinagot ng apat na Kapuso youngstars kung may pressure ba silang nararamdaman sa pag-ere ng ikalawang season ng “Prima Donnas” lalo pa’t napaka-successful ng season 1 nito.

“Hindi na po ako magsisinungaling. Sa totoo lang po, meron. Dahil noon pong 2021, kami po ang naging highest rated daytime show po sa Pilipinas.

“So medyo nakaka-pressure po, kasi gusto po sana naming higitan pa yun, but I’m sure, sobrang posible po. Ang ganda po ng mga istorya namin at yung mga writers po, nag-effort po talaga sila. Yun pong mga directors namin, si Direk Gina at Direk Phillip, talagang grabe po ang trabahong ginawa nila.

“Naka-lock-in taping po kami at ang dami pong artista, pero talagang hands-on po silang lahat. So may pressure po, but naniniwala po ako na mamahalin pa rin po ng mga tao or mas higit pa,” pahayag ni Jillian.


Sabi naman ni Althea, “Agree po ako with Jillian. Ito po kasing season 2, as in, grabe po ang preparation namin. Like, extra intense. Noong napanood ko po ang trailer, first time ko lang din pong napanood, talagang goosebumps, grabe!

“And natuwa rin po ako, kasi naging successful po ang lock-in taping namin. Natapos naming lahat and praying na magustuhan pong muli ng loyal viewers ng Prima Donnas,” sabi pa ni Althea.

Para naman kay Sofia, “Siyempre opo, may pressure. Lalo na at ibang-iba na ang mga characters. Nasanay po ang mga tao na ang Donnas ay mga bata talaga. Ngayon, parang marami rin pong makaka-relate na mga teens.

“And I’m hoping and praying na kung paano nila kami minahal noong season 1, sana mahalin din nila kami this season. Talagang all the teens, nag-effort po kami, even the veterans para maganda po ang mabigay namin this season,” sabi pa niya.

Halos ganito rin ang tugon ni Elijah na gumaganap bilang si Brianna na grabe ang pagiging kontrabida sa season 1. 

“Nakita naman po natin na kawawa po si Brianna sa first part. Mabait naman po siya… mabait naman. Pero abangan din natin kung kaiinisan po ba natin siya ulit.

“Basta ang masasabi ko lang po is this season 2, mas may hugot pa po ang character ni Brianna, mas may lalim pa po and mas maiintindihan na po siya ng mga tao,” paliwanag Kasunod nito, natanong din ang mga bagets kung okay na ba sa kanila ang makipag-relasyon sa totoong buhay tulad ng gagampanan nilang karakter sa “Prima Donnas.”

Sagot ni Jillian, “Naku, marami rin pong adjustment dahil naninibago nga po. Lalo na po sa akin na 12 years po, puro baby roles po yung pinu-portray ko po since Trudis Liit. 

“Tapos, ngayon lang po ako magkaka-loveteam, tapos, love triangle pa po. So medyo kinakabahan din po ako, sana po magustuhan ng mga tao,” aniya pa kasabay ng pagsasabing bawal pa siyang makipagrelasyon.

“Siguro depende rin po talaga sa tao, pero ang advice po kasi sa akin nila Mama, dapat po, hintayin ko po talaga yung tamang tao.

“Gusto po kasi nila sa akin, magkaka-boyfriend daw po ako, tapos yun na raw po ang aasawahin ko. So ganu’n po ang mentality nila. Siguro, dapat safe rin po lahat. May permission din po ng parents and kung safe ka naman, okay lang din po, basta po, huwag niyong sasaktan ang sarili mo,” paliwanag niya.

Sey naman ni Sofia, “Masaya naman po na may ka-loveteam. Parang meron laging tao na nandiyan para sa ‘yo. Si Allen (Ansay) po kasi as ka-loveteam, talagang maalaga. 

“So para po talaga siyang naging super, super, duper close person ko. Talagang kahit nasaan ako, palagi ko siyang nakikita,” sabi pa ni Sofia.

At tungkol sa pakikipag-boyfriend in real life, “Hindi pa po ngayon, masyado pa pong bata and dapat po, mag-focus po talaga sa career and sa studies. 

“Kasi marami naman pong time sa love. Kaya dapat mag-focus muna po tayo kung paano natin maaalagaan ang sarili natin para maging successful po tayo,” ani Sofia.

Sagot naman ni Elijah, “Depende po talaga sa tao or sa parents niya if gusto niya na po ba talaga or hantay na lang po, pero personally po, ayoko munang mag-relationship at this age.

“Kasi, marami naman po tayong pagdadaanan. And yung relationship po, any age naman po. Wala naman pong ano iyan,” sabi ni Elijah.

Ito naman ang sagot ni Althea tungkol sa loveteam nila ni Bruce Roeland, “Working with Bruce is sobrang saya. And sa totoo lang, ito ang first or second time naming magkasama together.

“So, sobrang natutuwa po ako na si Bruce po ang nakasama ko. Kasi he’s very kind and caring. At kahit wala kami sa work, siya ang nandiyan for me. 

“Kahit kailangan ko ng kausap, siya ang napagkukuwentuhan ko and ganun din sa kanya. Nag-o-open up kami sa isa’t isa.

“And hayun, may mga adjustments din kasi siyempre, nag-matured na, iba na yung act ng scene. And about naman sa relationship, hindi pa ko ready sa mga serious relationship,” sabi pa ng batang aktres.
https://bandera.inquirer.net/296237/aiko-umiiyak-na-nagpaalam-sa-prima-donnas-sabi-ko-sa-inyo-bumibigay-na-si-kendra

https://bandera.inquirer.net/286767/sofia-mas-naging-better-person-mula-nang-maging-nanay-juday-echo-eeksena-sa-gma
https://bandera.inquirer.net/283101/prima-donnas-star-elija-alejo-10-years-na-sa-showbiz-ate-guy-muling-magpapaiyak-sa-mpk

Read more...