Geneva Cruz
BARAG na barag na naman ang isang netizen matapos soplahin ni Geneva Cruz nang dahil sa pinagsasabi nito tungkol sa kanyang mga sexy photos sa social media.
Isang basher ang nagsabi na kaya raw post nang post ang aktres at singer ng kanyang mga bikini photos ay dahil uhaw na uhaw umano ito sa atensiyon.
Sa comment section ng isang Instagram post ng dating miyembro ng OPM group na Smokey Mountain ay maraming pumuri sa kanyang kaseksihan.
Kahit daw may mga anak na siya at 45 years old na ay napanatili pa rin niya ang pagkakaroon ng fit and fab body. May nagkomento pa nga na mas na-inspire raw silang magpa-sexy dahil sa mga IG photos ng celebrity mom.
Pero may ilang followers din si Geneva na puro kanegahan ang mga comments tulad ng isang IG user na nagsabing, “The fact that almost all of your pictures show your cleavage proves how much you need attention.”
Siyempre, magpapatalo ba naman ang isa sa cast members ng Kapuso series na “Little Princess”? Talagang pinatulan niya ang hater at rumesbak sa pang-ookray nito.
“Ah… Nah, they just come out to say hi… and unequal tan lines are bad. Check out the post on the right.
“Yeah that’s seeking attention because it shows NO SKIN. It got yours, not that isn’t good too.
“Unfollow me because being a judgmental person is not a savage look for you,” bwelta ni Geneva sa basher.
Aniya pa, “Plus, the cleavage, leg or arm shots are not going anywhere because I am not going to wear long sleeves, hoodie and jeans in the Philippines all the freaking time just for you.
“I please myself not you or anyone else, thank you,” sabi pa ng aktres.
Sa nakaraang virtual nediacon ng “Little Princess”, ipinaliwanag ni Geneva kung bakit sinasagot niya ang ilan sa kanyang bashers.
“I don’t call it patol. I call it educating them. If they come to my page and they talk about my singit or something and I’m on a beach and it’s a guy and they say ‘oh bakit ganyan.’
“I’ll say, ‘Excuse me. I’m a mother of two. Dalawang bata na ang lumabas diyan. And look at my body. How about you focus on that,” aniya pa.
Nu’ng una ay totoong napipikon siya sa pang-ookray at pambabastos sa kanya sa socmed pero na-realize niya na, “The best way to actually deal with them is to deal with them through love and kindness and also being yourself and educating them.”
“Kasi kung pumunta sila sa site mo and they have the audacity to tell you things that are negative ‘pag nasa mood ako, pwede kong burahin. Pero kapag merong kinalaman sa pagiging babae, pagiging ina, I will educate them,” sey pa ng aktres.
https://bandera.inquirer.net/302658/geneva-nang-alukin-ng-gma-bilang-kontrabida-sabi-ko-teka-muna-di-ko-alam-kung-matutuwa-ako-diyan
https://bandera.inquirer.net/302836/geneva-pumayag-makipag-bed-scene-sa-teleserye-todo-explain-sa-anak-thats-acting-baby