Jodi mas pipiliin ang magpatawad kesa maghiganti kapag niloko ng asawa: It’s for your own peace…

Jodi Sta. Maria, Zaijian Jaranilla at Zanjoe Marudo

KUNG nagloko at nangaliwa ang dyowa mo, ano ang gagawin mo? Kapag nahuli mo sa akto na may kabit ang karelasyon mo susugod ka ba agad-agad mananahimik na lang?

Siguradong maraming makaka-relate sa tanong na yan kapag nagsimula nang umere ang upcoming family drama ma “The Broken Marriage Vow” ng ABS-CBN.

Bibida rito si Jodi Sta. Maria na gaganap bilang si Dr. Jill Ilustre, ang asawa ni David Ilustre to be played by Zanjoe Marudo na mai-in love sa babaeng mas bata sa kanya, si Lexy Lucero na gagampanan naman ni Sue Ramirez.

At dahil nga sa kanyang role, natanong si Jodi kung kaya ba niyang patawarin ang asawa sakaling malaman niyang may ibang babae itong kinakalantari.

Paliwanag ni Jodi, posibleng mapatawad pa niya ang lalaki kung minsan lamang itong nagkamali pero kung paulit-ulit na niya itong ginagawa, ibang usapan na raw yun.

“If the infidelity was a result of a bad decision or sabihin mong ‘honest mistake,’ pwede kong mabigyan ng another chance ‘yung asawa ko,” pahayag ng aktres. 

Aniya pa, “But if I see that this is a continuing toxic pattern at hindi na lang siya pagkakamali, talagang deliberately ginagawa niya, I have to think of myself. I have to think of my child. And walk away from the relationship.” 

“Hindi talaga madali ang betrayal ‘coz betrayal is relational, e. Betrayal comes from those people na closest to you. ‘Yung mga taong ‘di mo inakala na sasaktan ka at pinaniniwalaan mo. After nu’n, you’ll just have to give ourselves time to heal also,” lahad pa ni Jodi.


Samantala, nabanggit naman ng award-winning actress na kung sa kanya mangyayari ang mga naranasan ng karakter niya sa “The Broken Marriage Vow”, mas gugustuhin pa rin niya ang magpatawad kesa maghiganti.

“Para maibsan ‘yung pain, you really have to forgive. I am not saying that forgiveness is easy. It’s a choice you have to make every single day even if you don’t want to forgive,” pahayag pa ni Jodi.

“If you’re just going to wait for the time when you think you are ready to forgive, then I think that will never come. We will only justify na hindi pa ko ready, darating ‘yung time.

“I will choose to forgive. And it’s not because what the other person did to you, parang small lang or you’re minimizing the other person’s action. 

“But it’s really you trying to free yourself from that person’s emotional hook na meron siya sa ‘yo. It’s for your own peace,” dagdag pa ng Kapamilya actress.

Katwiran pa niya, “Kung sasabihin mo, ‘ba’t ko patatawarin e hindi naman humihingi ng tawad?’ Hindi mo naman siya patatawarin para sa kanya, magpapatawad ka para sa ‘yo because you deserve peace.”

Magsisimula na ang “The Broken Marriage Vow” sa Jan. 24 sa iba’t ibang ABS-CBN platform.

https://bandera.inquirer.net/300595/jodi-sta-maria-gigil-na-gigil-napraning-sa-manlolokong-asawa
https://bandera.inquirer.net/302962/jodi-may-natutunan-sa-karakter-bilang-dra-jill-ilustre-there-is-always-a-life-after-a-heartbreak

Read more...