Albie sa ‘relasyon’ nila ni Shanaia: Wala pa akong oras para sa lovelife, but I definitely like her…

Albie Casino at Shanaia Gomez

DIRETSAHAN nang sinagot ng dating celebrity housemates ng “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” na sina Albie Casiño at Shanaia Gomez kung ano na nga ba ang real score sa kanilang relasyon.

Nabuo ang tambalan ng dalawa habang nasa loob ng Bahay ni Kuya na aprubado naman sa mga manonood lalo na ang mga fans na kilig na kilig sa kanila.

Ayon kay Albie, totoo namang espesyal sa kanya si Shanaia at medyo mas lumalim pa ang kanilang espesyal na pagkakaibigan pero pareho raw sila ng dalaga na ang top priority ay ang kanilang mga career.

“We have so much going on right now. Sa akin, wala pa sa isip ko ‘yung anything more than what we have now. 

“I want to focus on everything that I’m doing now. I’ve started hosting, and, of course, I’m still acting as well. Iyon muna talaga ang focus ko,” pahayag ng Kapamilya hunk sa panayam ng ABS-CBN.

Ayon pa sa binata, wala rin daw talaga siyang time ngayon pagdating sa seryosong relasyon at naniniwala siya na darating din ang tamang panahon para sa kanyang lovelife.

“To be honest, wala pa akong oras para sa love life and stuff like that. But, I definitely like her. She’s a nice girl, smart, funny, and, of course, beautiful also,” sabi ni Albie.

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi ni Shanaia na “good friends” sila ni Albie, “We’re going through this together. I’m obviously very new to showbiz. 

“This is my first time experiencing all of this. He’s great, he’s supportive naman. I guess, in a way, he’s guiding me. 

“He’s a good friend, he’s funny, he’s outgoing. I feel like we’re just getting along. We’re just enjoying our time together,” pahayag ng dalaga.

Kung matatandaan, unang inamin ng binata na attracted siya kay Shanaia nang muling magbalik sa outside world.

“Crush ko naman si Shanaia but sa mga nakikita ko, masyado pa siyang bata, and to be honest, it’s kinda weird. I don’t want her to feel pressured na she has to like me because of the fans,” sabi ng binata.

Tuwang-tuwa naman ang mga fans nina Albie at Shanaia nang finally ay natuloy din ang ipinangako ng aktor sa young actress na “sisig date.” 

“Oh my God! Yeah, of course, but I don’t think I’ll like it but I mean, I’ll take your word. We’ll see, we’ll see. I don’t like the feeling kasi of the sisig. I don’t know why, the texture is kinda weird,” ang reaksyon ni Shanaia.

Pero mang matikman nga ang sisig na kinain nila ni Albie sa kanilang date ay nasarapan naman daw siya.

“I told you, like you can’t trust the one we made inside the house, bro!” sagot naman ni Albie.

https://bandera.inquirer.net/300536/albie-casino-inaya-si-shanaia-gomez-sa-isang-date

https://bandera.inquirer.net/296874/cristy-fermin-naawa-kay-albie-siya-dapat-ang-daniel-padilla-ngayon
https://bandera.inquirer.net/299988/albie-isa-lang-ang-naging-bet-sa-pbb-female-housemates-si-shanaia-lang-talaga

Read more...