UMABOT na sa 2M ang subscribers ng Vivamax kaya naman walang tigil ang Viva Films sa paggawa ng mga pelikulang ipalalabas nila sa nasabing platform.
Kaya lang may mga nagsasabi na puro sexy films ang napapanood sa Vivamax kaya natanong ang cast ng pelikulang “Sisid” kung ano ang opinyon nila at apektado ba sila sa mga komentong ito.
Unang sumagot si Kylie Versoza, “I think Vivamax is a platform na it has more than it sexy films and many of this films are not even sexy films pero they’re market in a certain way beyond the sexiness of the film maganda ang kuwentong idinudulot ng Sisid.
“Mas matapang kaming (Vivamax) gumawa ng content, mas liberating, mas freely, mas kakaiba ‘yung content na nagagawa namin at naso-showcase iba-ibang klaseng problema na makikita rin gaya ng sa Sisid.
“It’s not just a sexy films maganda ‘yung kuwento, magaling ‘yung direktor at maganda rin ‘yung cast.”
Sumunod si Vince Rillon, “Sa akin okay lang kung iyon ang reaction nila kasi hindi pa naman nila napapanood ‘yung buong pelikula. Hindi po ibig sabihin na kapag nagpalabas kami ng mga sexy films ay puro sexy na. I’m sure pag napanood ninyo ay malalaman ninyo ang twist.”
“Siguro po doon lang sila (viewers) nagpo-focus sa mga sexy films hindi nila nage-gets ‘yung point ng story and sa Sisid hindi ganu’n kabastos tingnan though hindi pa namin napapanood alam namin na maayos ang story nito ni Direk Brillante (Mendoza),”sambit naman ni Christine Bermas.
At si Paolo Gumabao, “For me naman there are people [that] say bad comments about the film without really watching it but I think Vivamax is focusing on the reality more.
“Halimbawa may mga love scenes dito sa Sisid with two people falling in love, totoo naman, e, magkasama ang love and lust. If there’s love, there’s lust, so ‘yun ang reality and we focused on reality.”
Ang take naman ng premyadong direktor na si Brillante Mendoza.
“Well, ako naman ang point ko no matter how you put it, how we see it, sex sells, okay? Hindi natin made-deny the fact that people they want to watch sexy films especially Filipinos for that matter. ‘Yun talaga ‘yung pinapanood nila, ‘yun lang ang nakikita nila.
“Some people who are not watching from Vivamax are saying na ‘wala kayong ginawa kundi sexy films.’ Ang responsibility do’n kung iyon ang napo-focus in terms of pinag-uusapan ng mga taong nanonood at hindi nanonood, ang sa akin noon is to take it from there as a filmmaker and as an artist na gumagawa sa Vivamax okay kung iyan ay parte ng buhay, parte ng kuwento hindi ka lang mag focus doon.
“So, that when they watch the film, they see sexy scenes alam nila hindi mo ginawa ‘yun dahil kailangan mong gawin. It’s very much part of the story.”
Anyway, ang kuwento ng “Sisid” ay isang marine biologist si Paolo as Jason at ang kanyang asawa na si Abby (Kylie) ay pupunta sa Pola, Mindoro, kung saan aatasan si Jason na pamunuan ang rehabilitation at preservation ng isang fish sanctuary.
Makikilala ni Jason ang kanyang diving assistant na si Dennis (Vince) at mabilis silang magkakasundo. Habang magkasama sa trabaho, mas makikilala nila ang isa’t-isa.
Makikilala ni Jason ang pamilya ni Dennis sa kanyang mga kwento at bilib ang huli sa pagmamahal ng una sa kanyang trabaho. Malalaman din nila ang kani-kanilang malalaking problemang hinaharap.
Nabuntis ni Dennis ang kanyang girlfriend na si Tanya (Christine) habang sina Jason at Abby naman ay ilang taon nang sumusubok na magbuntis, ngunit bigo sila dahil maysakit ang huli.
Sa pagdaan ng mga araw, mahuhulog ang loob nina Jason at Dennis sa isa’t-isa, at di magtatagal ay bibigay din sila sa tawag ng kanilang katawan.
Ngunit magiging magulo ang lahat sa pagkakatuklas ni Abby sa kanilang lihim na relasyon, at mahuli sila sa akto ng pagtatalik bagay na magpapalala sa sakit nito at kakailanganin niyang madala sa hospital.
Ngayon, kakailanganing mamili ni Jason kung mananatili siya sa tabi ni Abby o sasama siya kay Dennis. Anuman ang kanyang piliin, siguradong may isang masasaktan.
Tunghayan ang kanilang Digital World Premiere ngayong January 18. Sa halagang 499 pesos, mauuna mong mamalas ang natatanging kwento ng “Sisid” at makipagpakamustahan sa mga cast at sa director nito sa isang espesyal at exclusive one-night event.
Kinabusakan, January 19, mapapanood na sa Vivamax Plus, ang bagong pay-per-view service ng Viva. Sa halagang 249 pesos, mapapanood mo na ang bagong obra maestra ng internationally-acclaimed director na si Brillante Mendoza.
Magsisimula naman ang regular streaming ng “Sisid” sa March 18 sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, Europe, Canada at America.
Related Chika:
Kylie Versoza na-appreciate si Marco; worried nang hinabol ng mga pulis ang dyowa