Jane, RK nag-positive rin sa COVID; sabay nag-quarantine, magkasamang nagpagaling | Bandera

Jane, RK nag-positive rin sa COVID; sabay nag-quarantine, magkasamang nagpagaling

Ervin Santiago |January 13,2022
facebook
share this

Jane, RK nag-positive rin sa COVID; sabay nag-quarantine, magkasamang nagpagaling

Ervin Santiago - January 13, 2022 - 07:32 AM

RK Bagatsing at Jane Oineza

TODO-TODO ang pasasalamat ng showbiz couple na sina Jane Oineza at RK Bagatsing matapos maka-recover sa pagkakaroon ng COVID-19.

Nadagdag sa listahan ng mga celebrities sina Jane at RK sa mga tinamaan at gumaling mula sa coronavirus.

Ito’y sa gitna nga ng patuloy na namang pagtaas ng bilang ng mga taong nagkakaroon ng COVID-19 sa kabila ng pagiging bakunado, idagdag pa ang kanilang mga booster shots.

Ibinahagi ng dalawang Kapamilya stars na mas kilala ngayon sa tawag na RKane, sa kani-kanilang Instagram accounts ang kanilang COVID-19 journey sa pamamagitan ng mga litrato.

Inamin ng magdyowa na sabay silang nagpositibo sa COVID at magkasabay ding sumailalim sa mandatory quarantine.

“How it’s been the past few days… but yay!!! Finally tested negative,” ang bahagi ng caption ni Jane sa kanyang IG post.

Kabilang sa 10 litrato na ibinahagi ng dalaga sa kanyang followers ang picture nila ng boyfriend na magkayakap, ang COVID antigen test nila kung saan makikitang pareho silang positive, at ang kanyang negative antigen result.

Aniya pa, “How is everyone? Don’t forget to rest up, drink your vitamins, eat well and be kind to yourself. We got this! One step at a time. Stay strong and stay safe!”

Nag-share rin si RK sa kanyang IG page ng litrato nila ni Jane habang naka-isolate at nilagyan ng mensaheng, “Now that’s out of the way. Kamusta kayo? 

“Just take it one day at a time and before you know it you’ll be good as new. Sending you all my love and prayers. Get well soon!” pahayag pa ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Elizabeth Jane Oineza ☁️ (@janeoineza)

RK, Jane ibinandera ang pagmamahal sa isa’t isa

Raymond Bagatsing tagumpay sa paglaban sa COVID-19: Reach out, believe, keep going…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending