Kris Aquino, Joshua at Bimby
“YES, you’re busy, we all are. Don’t be a drama queen and just do it.”
Isa lang ito sa art card na kaka-post lang ni Kris Aquino ngayong hapon at habang sinusulat namin ang balitang ito.
Ibig sabihin ni Kris ay kahit masama ang pakiramdam niya ay patuloy pa rin siyang nagpapadala ng tulong sa mga nangangailangan nating kababayan.
Aniya, “Inamin ko na malayo sa okay ang kalusugan ko… pero ginagawa pa rin namin ang lahat ng kakayanin sa ngayon, para makatulong sa kapwa.
“Simple ang dahilan ko, hindi n’yo kami iniwan nu’ng kami ang nangangailangan…I am just reciprocating in the way I am at present able to, the LOVE, SUPPORT, KINDNESS, COMPASSION, and LOYALTY many Filipinos have give me and my family, especially now that many need assistance.
“Lahat ng napangakuan, ginagawan ng paraan na matupad bago mag January 25, birthday in heaven ng mom ko,” pahayag ng TV host.
Sabi pa ni Kris, “Isang request lang po, please don’t scold my nurse for not wearing gloves during our IV insertion- ako po ang nag request na tanggalin na nya kasi naubusan na ko ng veins for the IV line, fragile & weak kasi ang mga ugat ko. Whether doctor or nurse, inaabot minsan ng 8 attempts to get the line successfully in.
“Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body & heal my broken heart… BUT from childhood I already knew, for me weakness could never be an option… especially NOW because i have kuya josh & bimb who still need me to love, care, and provide for them. Para sa dalawang pinakamamahal ko, hindi ako susuko,” mensahe pa niya.
Ipinakita rin ni Kris sa kanyang followers ang napakaraming pink roses at sunflower na ipinadala sa kanya to cheer her up.
“P.S. to protect the privacy of the very thoughtful friends who sent me flowers, balloons, fruits, home cooked food, Rosaries, prayer books, ice cream, and so much more I am refraining from any gratitude posts.
“To all, please know how much your thoughtfulness & gestures of caring especially your messages and hand written cards have uplifted me. At least now I know sino ang totoong nagmamahal at maaasahan, at sino ang makasarili at fake lang pala. (Hindi po ‘yung ex fiancé ang pinatatamaan, kung s’ya pinangalanan ko na lang),” pagdidiin pa ni Kris.
May mga ipinost ding supot si Kris na ang laman ay cheese pandesal, “I pledge starting today, 1- consecutive Wednesdays, of 1000 cheese pandesal for PGH personnel, their patients and companions.”
Bukod sa mga pandesal ay nagpadala rin siya ng 800 pieces ng COVID-19 antigen test kits sa Bureau of Immigration para sa mga empleyado at Buklod CID members. Tinanggap naman ito ni Ginoong Anthony Maceda, Vice-President external ng nasabing ahensya ng gobyerno.
Samantala, may isa pang mensahe si Kris para sa isang opisyal ng gobyerno na hindi alam ang sagot kung bakit hindi makapagbigay ng libreng test kits ang Department of Health.
“Kung babatikusin, honestly CARE ko. PATULOY akong tutulong at patuloy kong ipo-post. Kasi nga naman KAILANGAN BA NAGING MASAMA ANG GUMAWA NG KABUTIHAN?
“With everything happening in my life, kinakaya ko pa ring isipin na maraming mas mahirap ang pinagdadaanan. I’m posting this today dahil sa nabasa ko sa tweet directly quoting a govt. official answering about DOH not being able to provide test kits. He said, ‘I don’t know. I have no answer to that.’
“While I was ‘1st sister’ & a morning show host, ang generous ng private entities and corporation’s mag donate sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya. Siguro dahil gusto nulang ma-fullfill ang CSR nila nationwide and on TFC napapasalamatan ang generosity nila, at ako po mismo ang naga- announce while thanking all who possessed caring hearts.
“Unsolicited advice po, Kayo ang naka-puwesto ngayon, madaling humingi ng donations especially pag nag THANK YOU ANG MALACANANG, honored ang donors. Simple lang po, lahat ng nakatulong, lahat may mahalagang nagawa para sa mahal nating bansa,” pahayag pa ni Kris.
https://bandera.inquirer.net/288721/tambalang-isko-moreno-at-kris-aquino-sa-eleksyon-2022-posible-kaya
https://bandera.inquirer.net/301031/kris-bernal-naiyak-nang-tanungin-ukol-sa-non-renewal-ng-contract-sa-gma-i-feel-like-i-was-a-failure