Kabilin-bilinan ni Dolphy sa mga anak: Ayoko ng away-away, gusto ko magmahalan kayo

Epy Quizon, Eric Quizon, Jenny at Vandolph Quizon

SA NAKARAANG virtual mediacon ng bagong gag show na “Quizon CT” o “Quizon Comedy Theater” ng NET 25 ay muling humarap ang mga anak ni Comedy King Dolphy sa entertainment media.

Ang nasabing programa ay napapanood tuwing Linggo, 8 p.m. at bida nga rito ang magkakapatid na Eric, Vandolph at Epy Quizon.

Sa nasabing presscon ay hindi naiwasang maihalintulad ang magkakapatid sa ibang kilalang showbiz royalties na kapag nagkaroon ng gusot ay talagang talk of the town na parang gustung-gusto pang nalalaman ng publiko ang mga away nila.

Kabilang na riyan ang Barretto sisters na ang latest ay nagkaayos na nga sina Claudine at Marjorie nitong Bagong Taon. Samantalang ang Yllana brothers na sina Anjo at Jomari ay kakasimula palang ng gulo na umano’y may kinalaman sa campaign funds.

Kaya natanong kung ano ang sikreto ng Quizon brothers na napanatili ang magandang samahan kahit magkakaiba pa ang kanilang mga ina.

“Una sa lahat, I think ang common denominator namin is a dad. Kaya siguro kami ganito maski iba-iba ang mga nanay namin ay nagkakaroon ng harmonious (relationship) ay dahil parating nasa isip namin talaga is ang daddy namin.

“Before he died, ang sinabi niya sa aming lahat ay, ‘Ayaw ko ng away-away, gusto ko magmahalan kayo’ at somehow siguro ‘yun ang nanatili sa amin because those are his last habilin sa aming magkakapatid.

“Of course lahat naman nagkakaroon ng alitan o pag-aaway kaso ang maganda lang din sa amin kasi is pag nag-aaway hindi kami ‘yung tipo na nagtatanim. Ang daddy ko kasi pag nagagalit sa amin (pagkatapos magalit), ‘o, ano kailangan mo?’

“So, ganu’n saka may kanya-kanya kaming buhay, so, pag nagkikita-kita kami we’re longing for each other na magkakasama kami saka hinahanap namin ‘yung bonding naming magkakapatid.

“Siguro kung magkakasama kami sa bahay, baka mag-away-away na kami. Ha-hahaha! Joke lang. Pero I think ‘yun ‘yun we’re longing for each other’s company,” paliwanag ni Eric na spokesperson ng pamilya Quizon.


Inamin din nina Epy at Vandolph na si Eric ang laging gumigitna kapag may hindi pagkakaintindihan ang magkakapatid. “Actually siya!” say ni Epy na isa rin sa direktor ng “Quizon CT” kasama si Eric.

Dagdag pa, “Sagutin ko rin ‘yung tanong (na hindi nag-aaway-away), I give it to Eric also which I think he goes out of his way to correct the issue kung mayroon mang issue sa family. 

“Palagi siyang sa gitna wala siyang kinakampihan maski na pareho kami ng nanay ni Eric at nag-away kami ni Vandolph at pag tama si Vandolph ako ang pagsasabihan niya or iko-correct niya ‘yung mali. So, wala siyang (Eric) ganu’n hating kapatid parang nawala na ‘yun sa amin a long time ago. 

“Like me and Vandolph one of the closest brod alam ni Vandolph ‘yan.  Ganu’n ko kamahal ‘yan, so, walang hating kapatid, so, I think Eric was always on top of every issue.  From nagkasakit palang ang tatay ko, he’s always there on top of every issue,” aniya pa.

Ayon naman kay Vandolph, “Eversince I was young, Kaizz (tawag kay Eric) has his own na (sariling buhay) pero hindi niya kami pinabayaan lahat lalo na ‘yung dad namin may pinagdadaanan.  

“Siya ‘yung spokesperson, til nu’ng na-aksidente ako siya pa rin ‘yung spokesperson. Ako naman eversince I was young wala talaga akong tinratong half (sibling) kasi mag-isa lang ako sa nanay ko (Alma Moreno), so lahat sila kapatid ko saka pinalaki naman kami ng dad namin na lagi kaming magkasama, kita-kita every Sunday nagdi-dinner kami.  

“When I was young kumakain ako sa bahay nina kuya Eric, nina Epy.  So kahit half man yan basta magkadugo kayo magkadugo kayo,” sabi pa ni Vandolph.

Abangan ang hatid na tawanan, kulitan at kalokohang ibibigay ng “Quizon CT” tuwing Linggo ng gabi sa NET 25.

https://bandera.inquirer.net/300855/willie-tinulungan-noon-si-dolphy-sey-ni-cristy-fermin-kaya-laging-pinagpapala-si-willie-ay-dahil-butas-ang-palad-niya

https://bandera.inquirer.net/293878/epy-walang-ieendorsong-kaibigan-na-tatakbo-sa-2022-inatake-ng-depresyon-dahil-sa-socmed

https://bandera.inquirer.net/293630/epy-quizon-babayaran-ng-p30-m-ng-politiko-para-sa-ginawang-kanta-hindi-ko-tinanggap

Read more...