DLSU tinisod ang UST, nakapuwersa ng playoffs | Bandera

DLSU tinisod ang UST, nakapuwersa ng playoffs

Mike Lee - September 15, 2013 - 03:00 AM


Mga Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
2 p.m. UE vs UP
4 p.m. Ateneo vs UST

Team Standings: NU (10-4); FEU (10-4); DLSU (10-4); UST (7-6); Ateneo (7-6); UE (6-7); Adamson (4-10); UP (0-13)

NAGWAGI ang De La Salle University kontra University of Santo Tomas, 69-64, para makapuwersa ng playoff para sa ikalawang puwesto ng 76th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sina Jeron Teng, Norbert Torres, Almond Vosotros at Jason Perkins ang mga nagtrabaho nang husto sa second half para makumpleto ng Green Archers ang 7-0 sweep sa second round at makasalo sa unang puwesto ang National University at Far Eastern University na pawang may 10-4 baraha sa pagtatapos ng elim.

Awtomatikong nakuha naman ng  NU ang No. 1 spot bunga ng mas mataas na quotient habang pag-lalabanan ng FEU at La Salle ang No. 2 spot.

Ang nangungunang dalawang koponan sa elims ay magkakaroon ng twice-to-beat advantage sa Final Four. Ang huling semifinals berth naman ay paglalabanan ng UST (7-6) at  Ateneo (7-6)  sa Miyerkules.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending