Kier Legaspi 7 taon hindi gumawa ng pelikula; binigyan uli ng pagkakataon ng Viva

Kier Legaspi

NAGPAPASALAMAT si Kier Legaspi dahil muli siyang nabigyan ng chance na magkaroon ng pelikula sa Viva Films.

Kasama ang kapatid ni Zoren Legaspi sa Vivamax original movie na “Kinsenas, Katapusan” na mapapanood sa Peb. 4, mula sa direksyon ni GB Sampedro.

Pitong taong nawala sa mundo ng pelikula si Kier pero aktibo naman siya sa telebisyon at karamihan daw sa mga programang nagawa niya ay sa GMA 7.

Hindi naman daw siya nahirapang umarte sa pelikula dahil wala naman pagbabago lalo’t okay katrabaho kasama ang mga sexy stars na sina Ayanna Misola, Angela Morena, Jamila Obispo, at beauty queen turned sexy star na si Janelle Tee. Ka-join din dito ang kaibigan ng aktor na si Joko Diaz.

“Sa akin wala naman talagang pinagkaiba, I stopped acting for a while pero now gumawa ako ng comeback movie and this is my first after like seven years.  

“Still the same, I live in simple life kasi hindi ko kino-complicate ang life ko, so, wala namang pinagbabago kung nag-break man ako o gumawa mga pelikula, still the same,” say ni Kier.

At dahil sexy ang “Kinsenas, Katapusan” ay natanong ang aktor kung okay ito sa pamilya niya, “My wife is very understanding bago naman kami naging mag-asawa o mag-boyfriend-girlfriend alam naman niyang artista na ako, so, hindi naman nabibigla at saka very supportive siya sa akin,” paglalarawan ni Kier sa asawa.

Wala ring boundaries ang aktor sa mga eksena niya sa pelikula, “So far hindi ko naman iniisip ang boundaries, siguro magagawan naman ng paraan o depende sa mga eksena o pag-uusapan muna ng direktor kung ano ang hinihinging eksena at kung tingin ko logical o kailangan definitely I’ll do it.

“No second thoughts nu’ng tanggapin ko itong movie, kasi simple lang naman ang karakter ko, business partner ako ni Joko, wala akong scenes na daring,” katwiran nito.

Sa tanong namin kung ano ang nagpa-oo sa kanya para tanggapin ang “Kinsenas, Katapusan,” “It started nu’ng in-interview ako ni tita Aster (Amoyo) sa YouTube channel niya.  

“Nu’ng papunta ako sa interview ko sa kanya parang naramdaman ko na ‘is this a sign na babalik na ba ako sa showbiz? Doon nag-start lahat. So, now na nag-shoot ako doon ko nalaman na hindi mo pupuwedeng iwan ang isang bagay na mahal mo, eh.

“In my case, ‘yun ang acting, so, I’m very glad na nakagawa ulit ako ng pelikula at nakasama ko ‘yung friend kong si Joko Diaz at nandito ulit ako sa Viva Films, I’m very happy,” say pa ni Kier.


* * *

Simula na ang “Sing Back-Bakan” sa Wildcard Rounds at Non-stop Duelo-han ng “Sing Galing” ngayong 2022.

Magbabalik at magpapagalingan ang mga singtestants na tumatak, pinag-usapan, at sinuportahan ng mga ka-awitbahay.

Tampok sa bonggang pagsalubong ng TV5 ngayong 2022 ang pagsisimula ng “Sing Galing Sing Back-Bakan” simula noong Jan. 3, ang wildcard edition ng Ultimate Videoke Kantawanan Game Show ng bansa. 

Bibida sa bagong edition ng “Sing Galing” ang mga singtestants na minsan nang tumatak sa mga ka-awitbahay.

Ipinakilala bilang Team Balik ang mga pinag-usapan at sinuportahan na mga singtestants na hindi pinalad na makabilang sa Team Galing na ngayon ay magpapasing-galingan sa kanilang pagbalik.

Bagong taon, bagong pagkakataon para sa mga Team Balik singtestants na magpapa-sing-galingan sa videoke mula sa Mindanao, Visayas at Luzon.

Sa Luzon ay sina Rachel Cardenas-Caloocan, Arjay Cabael- Batangas, Bly Peña-Valenzuela, Joyce Yadao-Manila, Myca Capili -Laguna, Carl Ganaden –Tarlac, Vincent Guim- Sorsogon, Auriz Llorenz – Camarines Sur, Diadelyn Tano- Quezon Province, Jamal Africa -Lucena, Rowel Soliven -Ilocos Sur, JR Navarro – Baguio, Gia Gonzales- Cavite, Joan Odeh – Novaliches, Wilson Baylon – Rizal, Camille Peralta – Bulacan, Dennis Narag – Cagayan Valley, Des Delagado – Pangasinan, Cris Cerbito -Valenzuela, Dave Ballesteros at Musica Reyes – Cavite,

Representative naman ng Mindanao sina Kent Datu- Davao Del Norte at Zarmine Pusta-Davao De Oro. At si Aria Angcon ng Cebu.

Lahat ng Team Balik finalists ay magpapatuloy sa semi-finals upang harapin ang mga kasalukuyang Team Galing members na sina Regielyn Fernandez – Baler, Jean Jordan -Taguig, Kim Macaraig at Kit Inciong – Batangas, Jamaica Lamit – Bicol, Mari Mar Tua – Pampanga, at Dennis Santos – Bulacan.

Abangan kung sino ang kukumpleto sa natitirang slots ng Team Galing? Abangan ang mga pasabog sa susunod na mga linggo at alamin kung sino ang magiging Team Balik Bida-Oke Star of the Night sa Ultimate Videoke Kantawanan Game Show ng Bansa, “Sing Galing,” tuwing Lunes, Martes at Huwebes ng 6:30 p.m. sa TV5, produced by Cignal at CS Studios.

https://bandera.inquirer.net/288742/hamon-ni-kier-magpa-interview-kaya-ako-para-yung-side-ko-naman-ang-marinig-game

https://bandera.inquirer.net/283016/kier-legaspi-nag-effort-din-para-sa-sariling-community-pantry-sing-for-hearts-ng-gma-aariba-na

Read more...