Jett Pangan at iba pang cast members ng ‘Marry Me Marry You’
ENJOY na enjoy na ang OPM artist at songwriter na si Jett Pangan sa pagiging artista.
Nagsunud-sunod nga nitong mga nakaraang taon ang mga acting projects ng bokalista ng bandang The Dawn, kasama na nga ang malapit nang magtapos na Kapamilya series na “Marry Me, Marry You.”
In fairness naman kay Jett, talagang kinakarir niya lagi ang kanyang karakter sa bawat teleserye o pelikulang ginagawa niya lalo na rito sa romcom series na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.
Pagkatapos naman ng “Marry Me, Marry You”, makakasama rin si Jett sa upcoming Dreamscape Entertainment teleserye na “Flower of Evil” starring Piolo Pascual and Lovi Poe.
Sa nakaraang finale mediacon ng “Marry Me, Marry You”, todo ang pasasalamat niya sa lahat ng cast members at sa buong production dahil napakaganda ng naging experience niya sa kanilang lock-in taping.
“Specifically, maraming salamat unang-una kay Adrian (Lindayag) for the scented candle ng aming hotel room, kay Paulo para sa pa-lechon and the pa-chibog lagi sa set.
“And generally, maraming salamat sa lahat ng cast, na bumubuo ng Marry Me, Marry You for making me really feel at home, for making me really a part of this family and I’m sure nag-radiate yan sa performances naming lahat na talagang isa kaming pamilya dito. I fell in love with everyone. It’s a great cast,” mensahe ni Jett Pangan.
Hinding-hindi rin daw niya makakalimutan ang mga baguhang artista na gumanap na mga anak niya sa serye — sina Angelica Lao at Luis Vera Perez na talagang napalapit na rin sa kanya.
“I really enjoyed working with ‘my kids’ because na-feel ko talaga yung bond namin as a family. Siyempre iba yung journey namin eh, ng mga Jacinto from the very start.
“As we went on taping, na-develop talaga yung bond between the characters,” aniya pa.
Nang matanong kung anu-ano ang mga nai-share niyang acting tips sa younger cast ng “Marry Me Marry You”, “Personally speaking, kapag tinanong lang naman ako then I will give my two cents.
“But everyone here is really doing their part, eh. Kaya para sa akin magic combination ito. Everyone was really on top of themselves. Talagang ginawa nila yung kailangan gawin.
“Ang dami talaga namin pero we were able to really find our spots, our corners kumbaga in the story. Magaling din kasi yung nagsulat, eh. It’s one cohesive unit kumbaga,” pahayag pa ng singer-actor.
“Sa nalalapit na pagtatapos ng show, marami pang mangyayari, marami pang unpredictable moments I’m sure na magugustuhan ninyo. Stay safe everyone,” paniniguro pa ni Jett.
Napapanood ang “Marry Me, Marry You: Merrily Ever After” tuwing 8:40 p.m. sa Kapamilya Channel at iba pang platforms ng ABS-CBN.
https://bandera.inquirer.net/297671/paulo-jake-ibinuking-ni-janine-pareho-silang-bully-lumabas-ang-tunay-nilang-pagkatao-char