Vivoree Esclito nabiktima rin ng sindikato sa socmed; ginamit ng mga scammer para manloko

Vivoree Esclito

NABIKTIMA na rin ng mga sindikato sa social media ang Kapamilya young actress na si Vivoree Esclito.

Kuwento ng dalaga, may mga scammer raw na gumamit sa pangalan niya para makapanloko ng mga tao. 

Hindi naman nabanggit ni Vivoree kung anong klaseng modus ang ginawa ng mga scammer pero sana raw ay matigil na ang ganitong uri ng mga panloloko at  mahuli agad ang mga nasa likod nito.

“Ginamit ‘yung pangalan ko to scam other people. I think it’s as worse as being scammed directly. 

“Naloloko pa rin ‘yung ibang tao at ginagamit ‘yung pangalan mo. It’s very unfortunate na ginagawa ‘yun ng mga tao,” pahayag ng young actress sa nakaraang online presscon ng digital anthology na “Click, Like, Share.”

Paalala pa ng dalaga, huwag basta-basta magbibigay ng mga personal na detalye sa ibang tao lalo na kung may involved nang pera at kapag nabiktima na, humingi agad ng tulong sa otoridad para agad ma-trace ang mga nambibiktimang scammer. 

“We just have to be careful din talaga not to disclose our personal information. Let’s also ask help from other people. Trace ‘yung mga taong nambiktima,” sey pa ng aktres. 

Samantala, sa bagong season ng youth-oriented digital series na “Click, Like, Share”, bibida si Vivoree sa episode na “QR Code”.

“I play a female security guard at the mall named Ellie Ramos and yung story niya it revolves around isang lady guard. Yung trabaho niya since we’re in the new normal now, importante sa atin yung QR code before we enter any building or any establishment and then masisisante siya because of one incident. 

“Kailangan niyang maghanap ng bagong trabaho and kasama niya yung family niya dito na laging naka-suporta sa kanya,” sabi ni Vivoree sa ginanap na mediacon para sa show last Jan. 6. 

Nag-share rin ang dating “Pinoy Big Brother” teen housemate ng naging experience niya working with Direk Andoy Ranay.

“Alam ni direk Andoy kung gaano kangarag yung character ko rito, sobra. Physically and emotionally. Kasi ang dami niyang pinagdaanan and sobrang short period of time lang yung shooting namin. 

“Talagang we had to be collaborative and talagang gawin yung best namin on set and we really had to know kung saan galing yung isang scene and sino ba talaga yung character. 

“We have to know them very well. Fun siya kasi may pagka-comedy yung episode na ito and yung challenge dun yung ngarag na moments pero yung eksena mismo ngarag talaga si Ellie dito.

“Kahit na challenging siya fun pa rin siya at the same time. They helped and guided me throughout the scenes so I’m so grateful,” kuwento ni Vivoree.

Ano naman ang life lesson na pwedeng matutunan ng mga kabataang manonood sa kanilang episode, “Parang yung lesson here is there are people around us who are here to support us no matter what, lalo na sa mga pangarap natin or sa kung anong gusto natin ma-achieve in life. 

“Parang hanggang saan mo sila kayang dalhin sa success mo in life? Kaya mo ba silang dalhin until the end or do you really need to leave them at some point just to reach your goals in life? 

“Yun yung isa sa kailangan mong isipin while watching the episode and know the sacrifices you need to do in order to achieve your dreams,” paliwanag ni Vivoree.

Mapapanood na ang “Click, Like, Share” sa iWantTFC simula sa Jan. 12 with new episodes available every Wednesday, 8 p.m.

https://bandera.inquirer.net/294350/janus-del-prado-biktima-ng-scam-may-warning-sa-madlang-pipol
https://bandera.inquirer.net/281571/modus-ng-budol-budol-gang-buking-ni-ara-binalaan-ang-mga-kapwa-negosyante

Read more...