Yasser Marta
NANAWAGAN ang Kapuso actor at singer na si Yasser Marta sa lahat ng mga taong hanggang ngayon ay ayaw o natatakot pa ring magpabakuna kontra-COVID-19.
Naniniwala ang binata na hangga’t hindi nagpapaturok ng anti-COVID-19 vaccine ang lahat ng mga Filipino ay talagang mahihirapan ang pamahalaan na siguruhing wala nang mahahawa ng virus.
Ayon kay Yasser, wala nang dapat ikatakot ang publiko sa pagpapabakuna dahil napatunayan nang safe at effective ito, base na rin sa palaging ipinaaalala ng Department of Health.
Lalo na raw ngayon na bigla na namang tumaas ang bilang ng mga COVID-19 cases sa bansa kasabay din ng pagtaas ng positivity rate ng mga nahahawa ng virus.
Ayon kay Yasser, pinakamabisang panlaban pa rin sa COVID ang bakuna plus booster kaya sana raw ma-achieve na ng Pilipinas ang target percentage ng mga taong bakunado na.
Kuwento ni Yasser sa panayam ng GMA Network, kamakailan lang ay nakapagpa-booster na rin siya, “Ako ang ginawa ko agad nung isang araw kaka-booster shot ko pa lang, medyo napraning din ako, pero naisip ko lang, baka dahil din sa booster, [baka] malakas ‘yung booster.
“Parang nanghina lang ‘yung pangangatawan ko, pero now, nung pagkagising ko kanina, okay na ako.
“Kung ano ‘yung kailangan natin kunin na vaccine o booster para sa sarili natin at sa pamilya natin, mas mabuting alam n’yo ‘yun na magpa-vaccine na tayo,” lahad pa ng binata.
Nagbigay din siya ng mensahe para sa mga tao na hanggang ngayon ay ayaw pa ring magpabakuna, “Alam n’yo kapag vaccinated kayo ang daming puwedeng benefits na puwede makuha, lalo sa ibinibigay ng government natin ngayon.
“Lalo ngayon, kapag hindi ka vaccinated, hindi ka na puwede lumabas. Para makita n’yo ‘yung mga mahal n’yo sa buhay na mas healthy.
“Huwag kayo matakot, dahil ang dami namin ngayong vaccinated na and bago nga matapos ‘yung 2021 gumaganda na ‘yung mga cases, bumababa na,” sabi pa ng Kapuso star.
Pahabol pa ng binata, “Pero ang pinakamahalaga talaga ilang mga scientists at experts ang gumawa niyan at nagsabi na safe ito. Magpa-vaccine na po tayo.”
https://bandera.inquirer.net/279822/yasser-marta-mas-minahal-ng-lgbtq-community-alex-diaz-enjoy-na-enjoy-bilang-sirena
https://bandera.inquirer.net/279563/alex-diaz-may-takot-pero-laban-lang-sobrang-daming-lalaki-sa-showbiz-na-tago-pa-rin-dahil