Ina Raymundo, asawa, 5 anak tinamaan din ng COVID: Please keep calm, God is still in control

Brian Poturnak at Ina Raymundo

BUONG pamilya rin ng aktres at celebrity mom na si Ina Raymundo ang tinamaan ng COVID-19, kabilang ang lima niyang anak.

Ngunit kasabay nito, pinaalalahanan naman ni Ina na huwag agad magpa-panic kapag nagpositibo sa virus para maiwasang maapektuhan ang mental health.

Ayon sa aktres, nagpapagaling na siya ngayon at kasalukuyan nang kinukumpleto ang kanyang quarantine sa kanilang tahanan.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ng aktres kahapon sa kanyang followers na totoong tinamaan din siya ng nakahahawang sakit.

“I got the Omicron but getting better… just take it easy peeps and thanks to those who prayed & wished me well. Truly appreciate it,” pahayag ni Ina.

Nauna rito, ipinaalam din niya sa publiko na pati ang asawa niya at limang anak ay nag-positive rin sa COVID-19 at naka-recover naman daw agad ang mga ito.

“My bunso has just recovered from COVID and she’s already playing so beautifully. We all got COVID, my husband and 5 kids. 

“Most of them have recovered but I just tested positive today. Ang bait pa rin ni God that I’m the last to get it so I was able to take good care of all of them. 

“Most of my kids were sick for 2 days not more than 3 days. I treated all of them like they have the flu. Please keep calm everyone. God is still in control,” aniya sa kanyang IG post.

Isa si Ina sa mga bagong nadagdag sa listahan ng mga celebrities na nagpositibo sa COVID-19. Nauna nang kinumpirma nina Sofia Andres, Alyssa Valdez, Pia Wurtzbach, Candy Pangilinan, Alfred Vargas, Samantha Bernardo at iba pa na tinamaan din sila ng virus kahit pa bakunado na sila.

Hindi rin nakaligtas sa bangis ng virus ang mga news anchor at broadcast journalist na sina Karen Davila at Arnold Clavio.

Candy Pangilinan muling nagpositibo sa COVID-19

Yorme tinamaan na rin ng COVID-19: Kapit lang, tuloy ang buhay

Read more...