Dennis Padilla, Janno Gibbs at Andrew E.
KUNG may tatlong komedyante sa local showbiz na maaari raw magmana sa trono ng iconic comedic trio nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon yan ay walang iba kundi sina Andrew E, Janno Gibbs at Dennis Padilla.
Ayon sa ilang netizens, wala na sigurong makakagawa o makapapantay sa naging kontribusyon ng TVJ sa mundo ng entertainment pero nakikita rin daw nila kina Janno, Dennis at Andrew E ang isang solid na pagkakaibigan na meron ang tatlong movie at TV icon.
Sa panayam ng ilang members ng press kay Andrew E, sinabi nitong hindi niya inakala na makalipas ang tatlong dekada mula nang sumikat ang hit song niyang “Humanap Ka Ng Panget” noong 1990, ay nandito pa rin siya at patuloy na nagpapasaya ng mga tao.
Nawala raw siya pansamantala sa showbiz pero binigyan uli ng Viva Films ng pagkakataon na makapag-entertain at makapagpasaya ng mga Filipino at kasama pa rin ang mga kaibigan niya na naging bahagi na rin ng personal niyang buhay.
“It is for me an appreciation. That statement is a very nice appreciation of what we have done and what we have portrayed as a decades long comedian. And at the same time natutuwa ako on my part to be with them.
“And I can speak for them na sa tagal ng panahon maaaring ina-appreciate namin yung movies pero mas lalo naming ina-appreciate yung mga taong nanonood ng movies.
“So yun yung pinakaginto para sa amin. With that lalo kaming nagpupursigi at nagsusumikap para to the next coming years ay hindi lang nila ma-appreciate kami pero mapamahal para mas ma-appreciate kami ng mga baguhan o mga bagong generation to come,” pahayag ng rapper at comedian.
At tungkol nga sa muli nilang pagsasama-sama nina Janno at Dennis sa Vivamax original movie na “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2”, maraming nagkukumpara sa kanilang samahan sa friendship nina Tito, Vic & Joey.
Pahayag ni Andrew E, “Tatlong bagay. Yung camaraderie, and friendship and longevity. Yun yung meron sa aming samahan ay na-embed sa amin and at the same time parang naka-sinturon na sa amin yung tatlong yun.
“Yung camaraderie ay hindi maiiwasan kasi magkumpare kaming tatlo. And at the same time yung friendship lumilitaw yun sa screen kasi kitang kita niyo yung pagkakaibigan namin na hindi lang makikita sa mga dialogue namin kundi pati sa sa mga actions at galaw.
“Kitang kita du’n yung friendship namin. And at the same time siguro bitbit namin yung longevity and yun ang nagtatawid sa amin from way back 1990s hanggang ngayon 2021 up to the next year. Maybe yun yung meron kami na very special,” lahad ng komedyante.
Samantala, isa pa raw sa ine-enjoy ng veteran comedian ay ang pakikipag-collaborate sa mga baguhan at kabataang artista ngayon.
“Ang pinakamasaya du’n na parte is mas nadadamihan at nadadagdagan yung nakikita ko at naoobserbahan ko towards understanding the young ones of today.
“Para nagagamit ko yun, nadadagdag ko yun sa craft ko and at the same time nadadagdag ko yun sa aking kaalaman on how to entertain them. So I know how the young ones can appreciate me.
“I’m not in their time frame which is yung edad and yung hilig. So mas na-a-analyze ko sila better and to the betterment of my career also and craft. Yun ang aking appreciation,” kuwento pa ni Andrew E.
Isa pa sa naitanong kay Andrew ay kung ano ba ang matututunan ng mga manonood sa “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2” na idinirek ni Al Tantay, “I think merong isang very great lesson na matututunan sa aming pelikula.
“And it goes a little something like this, ang lesson na matututunan dito would be ang mga kabataan matututong magbigay or makahanap ng paraan para mapasaya ang kanilang mga magulang, ang kanilang mga lolo’t lola sa pamamagitan ng pagtulay sa amin sa pelikula namin through Vivamax,” ani Andrew.
https://bandera.inquirer.net/293034/andrew-e-game-na-game-pa-rin-sa-halikan-sa-pelikula-naka-jackpot-sa-2-seksing-leading-lady
https://bandera.inquirer.net/302019/andrew-e-never-nakaranas-ng-sexual-harassment-hindi-naman-kasi-ako-katuksu-tukso