GMA tinupad agad ang wish ni Beauty: Hindi lang isa kundi 2 Dingdong pa ang nakatambal ko

Beauty Gonzalez

HANGGANG ngayon ay nakakatanggap pa rin ng negatibo at malilisyong komento at mensahe si Beauty Gonzalez tungkol sa paglipat niya sa GMA 7.

Kabilang na nga riyan ang pagtawag sa kanya ng ilang bashers ng “walang utang na loob” dahil pagkatapos daw siyang bigyan ng mga bonggang projects at pasikatin ng ABS-CBN ay bigla na lang niyang iniwan ang network para magtrabaho sa GMA 7.

Muling nakachikahan ng ilang miyembro ng showbiz press si Beauty sa nakaraang online mediacon ng bago niyang project bilang Kapuso, ang “AlterNate” na siyang unang handog ng pagbabalik ng mini-series na “I Can See You”.

Magsisimula na ito ngayong gabi sa Telebabad block ng GMA kung saan for the first time ay makakatambal nga niya ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

“When I just moved to GMA, I was asked kung sino ang gusto kong makapareha and I said si Dingdong, now heto, wish granted kaagad so thank you talaga,” pahayag ni Beauty.

Puring-puri naman siya ni Dingdong pati na ng direktor nilang si Dominic Zapata, dahil bukod daw sa akting na ipinakita niya sa serye ay napakapropesyonal din niyang artista at team player. Wala raw kasi siyang kaarte-arte at never nagpaka-primadonna sa kanilang lock-in shoot.

“Thanks very much for the wonderful words of Dong and Direk Dominic. I feel so happy kasi I didn’t get just one Dingdong here, but two, since he plays the dual roles of Nate and Michael in the story.

“Thanks to GMA for giving me the chance to do this project with Dong, who is not only very maalaga but isang magaling and a very intuitive actor,” pasalamat ni Beauty.

Super proud din daw siya sa “AlterNate” kaya sana raw ay suportahan ito ng Kapuso viewers, “I can’t wait for people to see this show na may drama, may action, may suspense, may romance. Ibang-iba ako rito from my first show sa GMA na ‘Loving Ms. Bridgette.’ 

“Lahat sila rito, magaling, pati sina Direk Ricky Davao and Jackielou Blanco, so I had to level up in my acting here. It was so easy naman to get into my character kasi pagdating ko sa set, lahat sila, ready na. Very inspiring sila katrabaho,” lahad pa niya.


At tungkol nga sa kanyang mga bashers na hindi pa rin nakaka-move on sa paglipat niya sa GMA 7, hindi na lang daw niya pinapatulan ang mga ito, lalo na sa mga tumatawag sa kanya ng “ingrata” at “utang na loob”.

“No regrets at all. Tuluy-tuloy ang trabaho ko rito and I’m very happy with the projects GMA is giving me. 

“Ang ganda ng feedback sa ‘Loving Ms. Bridgette’ and now, I heard na baka magka- book two daw kami kasi andaming fans ang nagre-request. At kung nagustuhan nila yun, I’m sure mas magugustuhan nila itong ‘AlterNate’ on primetime,” pahayag pa ni Beauty.

https://bandera.inquirer.net/302116/beauty-nakaligtas-sa-hagupit-ng-bagyong-odette-pinigilan-ng-ina-na-magpunta-sa-siargao
https://bandera.inquirer.net/285542/beauty-gonzalez-pokwang-lumipat-na-rin-sa-gma

Read more...