Ara Mina aminadong ‘dream come true’ ang makatrabaho si Sharon Cuneta

Ara Mina aminadong 'dream come true' ang makatrabaho si Sharon Cuneta

KAARAWAN ni Sharon Cuneta noong Enero 6 at ngayong araw lang niya ni-repost sa kanyang Instagram ang video nila ni Ara Mina habang kumakanta ng “A Thousand Years” ni Christina Perri.

Nauna nang i-post ito ni Ara sa kanyang IG account 2 days ago.

“Love you more than ever, @therealaramina! Repost from @therealaramina.”

“Feeling more inspired to work dahil sa iyo ate @reallysharoncuneta. It’s a dream come true na makasama ka sa work. Wala pa tayong eksenang 2 naiiyak na ko paano pa kaya kung meron na.

“I felt more closer to you now, iba pala pag mas matagal ka kasama, very overwhelming my ate, bata pa lang ako hinahangaan na kita kaya I will never forget this time na magkasama tayo.’ saad ni Ara Mina.

“Remembering this never seen before duet and I still remember ‘yung duet natin nung unang guesting ko sa Sharon show mo sa ABS kumanta ako ng Mr DJ then sinabayan mo ko sobrang nanginginig ako dahil sa magkahalong saya at tense.

Dagdag pa ni Ara, “Salamat ate sa most sincere friendship na nafi- feel ko from you. I love you more than ever ate..sis…kumare…ninang…your twin hindi na mini me kasi you are so sexy na grabe!”

“Can’t wait to be with you again. See you sa lock-in taping natin.

“Happy Birthday! We love you! – Dave, Hazel & Mandy (emoji 3 hearts).

Magkasama sina Sharon at Ara sa aksyon seryeng “FPJ’s ang Probinsyano”.

Samantala, negatibo sa COVID 19 antigen test si Sharon pero kailangan niyang mag-self isolate dahil ang asawang si Senador Kiko Pangilinan ay nag-positibo.

Post ni Sharon sa kanyang IG na may art card na Make Today Happy.

Ang caption ni Mega, “somehow. Last night, I tested negative on my Antigen. Kiko tested positive on his PCR test results. This morning, all of us at home tested negative on Antigen. A couple of days or so to see this morning’s PCR test results – all of ours.

“We are all isolating in different parts of our home. I worry for my children. Please pray for us all, including our beloved Yayas…Thanks so much. So not the birthday gift I expected! Keep safe and take good care, everyone. I love you. May God bless us all. @md_anna_artistic Thank you for the pic.”

 

Related Chika:
Ara may pa-tribute sa fiancé bago ikasal: Aalagaan kita tulad ng pag-aalaga mo sa akin…
Bakit nag-sorry si Sharon Cuneta sa mga bumati sa kanya ng ‘happy birthday’?

Read more...