MULING binisita ng aktor at negosyanteng si Enchong Dee ang Naga City kung saan siya ipinanganak at lumaki.
Sa kanyang recent vlog ay tila nagkaroon siya ng “Naga Tour” kung saan ipinakita niya sa mga netizens ang dating bahay na kinalakihan.
Sa pagbabalik ni Enchong sa kanyang childhood hometown ay medyo nalungkot siya nang makita ang dating bahay dahil iba na ang itsura nito ngayon pero masaya pa rin siya dahil may mga ilang bahagi ng bahay na nananatili pa rin magpasahanggang ngayon.
Ipinakita rin nito ang ilang mga lugar na madalas nilang bisitahin noon pati na rin ang mga ilang signature dishes sa lugar gaya ng kinunot at kinalasan.
Binisita rin ni Enchong ang dating pool area kung saan madalas siyang mag-training bilang swimmer.
“It’s a weird feeling. It’s a happy but a bit sad feeling na wala na siyang tubig but I’m here — a lot of things flashing back, a lot of childhood memories replaying in my mind right now. Masaya pero how I wish it’s as healthy as before when I was still swimming here,” pagbabahagi ng aktor.
“It’s so surreal, nandito na ako ulit. I’m so happy. Dito nagsimula lahat, lahat ng pangarap,” dagdag pa ni Enchong.
Ibinahagi niya rin ang dating paaralan kung saan siya nag-high school.
Isa si Enchong sa mga kontrobersyal na artista ngayon matapos itong sampahan ng cyber-libel case ng kampo ni Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) party list representative Claudine Bautista-Lim.
Ito ay matapos i-call out ng aktor ang “magarbong” kasal ng kongresista na ginanap sa Balesin Island habang ang ilang mga tsuper na kinakatawan nito ay naghihirap umano sa kalagitnaan ng pandemya.
Giit naman ng kampo nina Rep. Claudine Bautista-Lim ay mula sa sarili nilang bulsa ang lahat ng ginastos sa kanilang kasal taliwas sa sa tila ipinapalabas ni Enchong na nagmula ito sa pondo ng party-list.
Sa ngayon ay nananatiling tahimik ang aktor hinggil sa kasong kinakaharap.
Related Chika:
Claudine Bautista-Lim nagsampa ng kasong cyber libel laban kay Enchong Dee