LABIS ang pasasalamat ni Iana Bernardez dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makasama sa cast ng Kapamilya teleserye “Marry Me, Marry You” na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.
Bago pa man siya maging parte ng nasabing teleserye ay naging bahagi na ng maraming indie films ang dalaga.
“Dahil sa project na ito, it really convinced me na I’m really excited for more acting projects to come and hopefully may dumating naman na more acting projects because I really enjoyed the process.
“I really enjoyed learning so much from my co-actors because everyone has just been so generous sa mga pangaral at pagkain. Lahat we just really enjoyed and I’m going to miss everyone. But it’s going to be a rollercoaster so we can’t wait to finish the ride with you all,” saad ni Iana sa mediacon ng “Marry Me Marry You” noong January 4.
Ito rin kasi ang first major role ni Iana sa isang teleserye kaya talaga namang hindi niya makakalimutan ang papel niya bilang si Patricia Francisco.
“It was exciting. It was very new, ang dami kong natutunan. Ang masasabi ko lang suwerte ko na ito yung production, ito yung cast, ito yung crew na nakasama ko sa first serye ko ever. Tapos ito pa yung role na nabigay sa akin.
“Nacha-challenge ako na ito yung first kontrabida role ko ever and it was a whole challenge in itself. Yun yung pinaka exciting kasi hindi ko naman alam kung masusundan yung pagiging kontrabida. Feeling ko nga mas masaya pa siya kaysa sa mabait na role so nag-enjoy talaga ako. So yun yung ichi-cherish ko talaga. And I really fell in love with Patricia,” dagdag pa niya.
Sa mga hindi nakakaalam, si Iana ang panganay na anak ni Angel Aquino.
Kwento pa niya, isa ang ina sa mga tinitingala niya sa industriya. Ang ina rin ang kanyang takbuhan kapag kinakailangan niya ng advice patungkol sa kanyang showbiz career.
“Nakakatakot kapag mag-fi-feedback siya pero okay lang, tanggap lang,” dagdag pa niya.
Related Chika:
Sunshine Kapamilya na; bibida sa ‘Marry Me, Marry You’ kasama ang 2 pang dating Kapuso