64th Grammy Awards hindi na muna itutuloy dahil sa Omicron

HINDI na muna itutuloy ang nakatakda na sanang 64th Annual Grammy Awards dahil na rin sa muling pagtaas ng COVID-19 cases sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Naglabas ng joint statement ang Recording Academy at CBS ng joint statement para ipaalam sa publiko lalo na sa lahat ng nag-aabang sa awards night ang nasabing postponement. 

“After careful consideration and analysis with city and state officials, health and safety experts, the artist community and our many partners, the Recording Academy and CBS have postponed the 64th Annual Grammy Awards Show,” ang bahagi ng nasabing statement.

Dagdag pa rito, mas pinahahalagahan pa rin daw ng organizers ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng taong involved sa production at ng mga dadalo sa event.

“The health and safety of those in our music community, the live audience, and the hundreds of people who work tirelessly to produce our show remains our top priority,” ayon pa sa Recording Academy at CBS.

Naka-schedule sana ang awarding ceremony sa darating na Jan. 31 pero kinailangan nga nilang i-postpone ang event dahil na rin sa banta ng Omicron variant.

“Given the uncertainty surrounding the Omicron variant, holding the show on January 31 simply contains too many risks. We look forward to celebrating Music’s Biggest Night on a future date, which will be announced soon,” ang nakasaad pa sa nasabing joint statement.

https://bandera.inquirer.net/279602/beyonce-nangunguna-sa-dami-ng-nominasyon-ngayong-2021-grammy-awards

https://bandera.inquirer.net/284656/bts-target-na-masungkit-ang-grammy-sa-bagong-single-na-butter

Read more...