Atom Araullo, Julius Babao at Kim Atienza
HINDI pinalampas ng Kapuso TV host na si Kim Atienza ang mga pang-asar na komento ng bashers tungkol sa mga programa niya sa GMA 7.
Hanggang ngayon ay may mga tao pa ring hindi nakaka-move on sa paglipat ni Kuya Kim sa Kapuso Network at patuloy pa rin ang pangnenega at panlalait sa kanya.
October, 2021 pa nang magsimulang maging Kapuso ang dating Kapamilya TV host after 17 years ng pagtatrabaho sa ABS-CBN. Maayos naman ang pagpapaalam niya sa dati niyang mother network.
Pero in fairness naman kay Kuya Kim, never siyang nakipagtalakan o nakipagsagutan nang bastusan sa mga haters, marespeto pa rin ang pagpatol niya sa mga ito.
Nito nga lang nakaraang araw, Jan. 4, isang basher na naman ang nangnega kay Kuya Kim pati na sa mga dating Kapamilya na sina Julius Babao at Atom Araullo na pare-parehong naging bahagi ng ABS-CBN News and Current Affairs.
Tweet ng basher patungkol kay Julius, “Di ka kawalan. Ano na kayang nangyari kay Atom, kay Kuya Kim, may nanonood ba sa palabas nila…Hahaha.”
Reply ni Kuya Kim sa kanya, “Hmmmmm parang meron pa naman last time I checked.”
Ipinagtanggol din ng mga netizens si Kuya Kim at sinaluduhan ang chilax na pagsupalpal nito sa basher na hanggang ngayon daw ay hindi pa rin maka-move on sa paglipat ng TV host sa GMA.
Sagot naman ni Kim sa netizen, “Always done with respect.”
Isang Twitter user naman ang nagkomento na regular niyang napapanood ngayon si Kuya Kim sa TV kumpara noong nasa kabilang network pa siya.
Nireplayan din siya ng Kapuso host, “Salamat sa Diyos at sa bago kong tahanan @gmanetwork.”
Sa nagsabi naman na nag-eenjoy siya sa style ng pagho-host ni Kuya Kim sa mga show niya sa GMA 7, ito ang naging reply niya, “Doing my best for His glory.”
Nagbigay din siya ng paalala sa responsableng paggamit ng social media, “Let’s make twitter a nice place again!”
Bukod sa segment niya sa Kapuso news program na “24 Oras”, kasama rin siya bilang co-host nina Iya Villania at Camille Prats sa daily morning talk show na “Mars Pa More.”
Isa rin siya sa nga host ng news-magazine program na “Dapat Alam Mo!” sa GTV kasama sina Emil Sumangil at Patricia Tumulak.
https://bandera.inquirer.net/297785/kuya-kim-dumepensa-sa-paratang-ng-bashers-na-inokray-aniya-ang-showtime
https://bandera.inquirer.net/298385/kuya-kim-may-swabeng-hirit-kay-ogie-diaz-bawal-ikampanya-ang-ama-sa-eleksyon-2022