Cindy Miranda hinding-hindi makikipag-sex sa loob ng kotse: Baka mahuli pa ako, di ba?

Sid Lucero at Cindy Miranda

NEVER, as in never daw gagawin ng sexy actress at dating beauty queen na si Cindy Miranda ang makipag-sex sa loob ng kotse.

Ito ang mariing sagot ng Viva Entertainment artist nang tanungin tungkol sa isang eksena nila ni Sid Lucero sa bago niyang pelikula under Viva Films, ang “Reroute”.

Mag-asawa sina Cindy at Sid sa kuwento ng upcoming suspense-thriller ng Vivamax kung saan makakasama rin nila sina John Arcilla at Nathalie Hart.

Sa trailer ng movie, ipinakita ang pagtatalik nina Cindy at Sid sa loob ng sasakyan hanggang sa may taong nakahuli sa kanilang ginagawa.

Sa virtual mediacon ng “Reroute” kahapon, Jan. 5, natanong si Cindy kung keri ba niyang gawin ang ginawa ng karakter niya.

Sagot ng dalaga, “May mga kaibigan akong nahuli, ginagawa yun sa car but, you know, I haven’t tried it and I don’t think I’m gonna try it.

“So far, hindi ko pa siya nata-try, pero sana, hindi ko gawin. Baka mahuli rin ako, di ba?” ang pahayag ni Cindy.

Aniya pa, “Feeling ko talaga bawal, kasi respect yun. Ayaw natin na magulo yung ibang tao kasi siyempre gumagalaw yung car.

“Nakaka-disturb yun sa ibang tao. Hindi naman lahat ng tao, pare-parehong mag-isip.

“May iba, conservative. May iba, very open to that. Yung iba, walang pakialam. Maybe, we respect na lang people and do it in private,” chika pa ng former beauty queen.

“I’m not against naman sa mga taong gumagawa nun. Sometimes, it’s just for fun. Sometimes, you just need it,” diin pa niya.

* * *

May kasabihan na “minsan kailangan mong mawala para mahanap ang iyong sarili,” pero paano kung hindi mo ito magawa? 

O, mas malala, paano kung hindi ka na mahanap? Ng kahit na sino man. I-fasten ang mga seat belt at i-ready na ang GPS dahil parating na ang “Reroute” sa Vivamax ngayong Jan. 21, 2022.

Isa itong sexy-suspense thriller na pinagbibidahan ng ilan sa mga pinakamahuhusay na mga aktor sa Pilipinas, sa pangunguna ng Venice Film Festival Best Actor na si John Arcilla. 

“Ang “Reroute” ay kwento ng mag-asawang si Trina (Cindy Miranda) at Dan (Sid Lucero) na nagkakaroon ng problema dahil pinaghihinalaan ni Dan na may iba si Trina. 

Sa gitna ng problemang ito, napagpasyahan ng mag-asawa na bumisita sa nag-aagaw buhay ng tatay ni Dan sa probinsya.

Sa kanilang pagbiyahe, mahaharang sila ng isang roadblock at aabisuhan na sumubok ng ibang daan at mag-reroute at dito na nga magaganap ang mga nakakawindang at nakakalokang eksena sa buhay ng mag-asawa na ni sa panaginip ay hindi nila akalaing mangyayari sa kanila.

https://bandera.inquirer.net/302271/nakita-ko-na-pareho-pala-kami-ni-john-arcilla-cindy-miranda

https://bandera.inquirer.net/287903/fwd-reggee-bonoan-fri-07092021

Read more...