Ang hirap pa ring mag-convince ng tao na manood sa sinehan – Paulo Avelino

Janine Gutierrez at Paulo Avelino

NANINIWALA ang Kapamilya actor na si Paulo Avelino na darating din ang araw na babalik din ang sigla ng movie industry at mapupuno muli ng tao ang mga sinehan sa bansa.

Nalungkot din ang aktor nang malaman niyang mahina ang naging takbo sa takilya ng mga pelikulang kalahok sa 2021 Metro Manila Film Festival ngunit hindi raw sana ito maging dahilan para ma-discourage ang mga film producer na gumawa ng pelikula.

“We eventually have to start from somewhere. It’s hard to get people back in cinemas especially with the new variant out. 

“But we really have to start from somewhere and it saddens me na ang hirap pa rin mag-convince ng tao na manood sa sinehan pero safety muna ng mga kababayan natin.

“It’s nice also that they started viewings in the cinemas kasi parang it could help the people go back to the cinemas.

“And hopefully it could help the film industry in the long run dahil medyo hirap na rin yung industriya natin. But I’m happy how it turned out,” magandang paliwanag ni Paulo sa ginanap na virtual mediacon para sa finale ng “Marry Me Marry You” kamakalawa, Jan. 4. 

Natanong din si Paulo sa nasabing presscon kung ano ang pinakamami-miss niya ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng teleserye nila ni Janine Gutierrez sa ABS-CBN.

“Siguro mami-miss ko yung kulitan, yung palagi ko na lang siya hinahanap kasi siya na lang yung hinihintay sa set. And yung sabay-sabay kaming kumakain as a cast. 

“I’m grateful for being given the chance to work with a beautiful cast with so many young talented actors. Of course with a rock star as well.

“I’m just grateful that I’ve been given the chance. I think I didn’t just learn about craft but I learned about life even more kaya salamat,” pahayag ng aktor.

Samantala, nagkuwento rin si Paulo tungkol sa pagse-celebrate niya ng Pasko at Bagong Taon kasama ang kanyang pamilya.

“Finally after two years nakabalik na rin ng Baguio. So I spent it in Baguio with family. Intimate lang din. Residente ako so, puwede naman ako bumalik. 

“It was really cold but during the Christmas season it kept on raining. So namamatay lagi yung bonfire namin,” pagbabahagi pa ni Paulo.

Mapapanood ang huling tatlong linggo ng “Marry Me Marry You: Merrily Ever After” weeknights, 8:40 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, TV5, and Jeepney TV. Also available on iWantTFC, TFC at WeTV iflix.

https://bandera.inquirer.net/291328/paulo-ipinakulam-daw-ng-galit-na-fan-parang-hindi-naman-effective
https://bandera.inquirer.net/281034/janine-atat-na-atat-nang-manood-sa-sinehan-jc-magta-travel-abroad-pagkatapos-ng-lockdown

Read more...