Nakita ko na pareho pala kami ni John Arcilla! — Cindy Miranda
Cindy Miranda at John Arcilla
SUPER fan pala ng premyadong aktor na si John Arcilla ang beauty queen-turned-actress na si Cindy Miranda.
Aminado ang dalaga na kinikilig siya sa unang araw palang ng lock-in shoot nila para sa pelikulang “Reroute” mula sa Viva Films at idinirek ni Lawrence Fajardo na mapapanood sa Vivamax sa Jan. 21.
Base sa kuwento ni Cindy sa ginanap na solo mediacon niya ngayong tanghali, “This is my most intense movie and of course kasama ko rito si John Arcilla. Nabigyan ako ng chance na makasama ko sa isang film ang isang John Arcilla.
“Sobrang (tuwa) I had to level up talaga, I was so worried na of course he’s a very, very good actor, yes best actor of the Philippines.
“Nu’ng sinu-shoot ko ito (Reroute) sabi ko siguro pag tinanong ako kung anong movie ang dapat nilang panoorin sa lahat ng nagawa ko, sabihin ko sa kanila na panoorin nila itong Reroute. This is my best movie yet,” aniya.
Nabanggit pa ni Cindy na sa unang araw ng shooting nila ay nakiusap siya sa executive producer ng pelikula na magpapa-picture siya bago sila magsimula at napagbigyan naman.
Teka, magaling ding aktor si Sid Lucero bukod kay John kaya hindi ba kinabahan si Cindy na kaeksena niya ang dalawang mahusay na aktor ng Philippine showbiz.
“I came from a shooting before Reroute so hindi ko alam kung ready ako. Tinatanong ko sarili ko kung ready ba akong makipagsabayan kina John Arcilla, Sid Lucero and Nanthalie Hart and wala naman akong choice kasi ang ganda ng script,” kuwento ng aktres.
At ang natutunan ni Cindy sa dalawang batikang aktor, “Si sir John Arcilla po at si kuya Sid ay magkaibigang-magkaiba po sila ng personality and how they prepare sa set. Si John Arcilla po pareho kami sa set, seryoso, naka-isolate before the scene.
“Nakita ko na pareho pala kami ni John Arcilla kasi nasasabihan ako na very serious ako sa set kasi I don’t really talk sa set. Hindi ako nakikipag kuwentuhan kasi in character nap o ako at ayaw kong ma distract.
“With kuya Sid naman sobrang makuwento ganu’n siya, kukuwentuhan ka niya talaga. Ikukuwento nila ‘yung mga experiences nila before na eventually magre-relax ka rin.
“But I saw myself kay John Arcilla, very seryoso siyang aktor talagang naka-isolate, prepared siya reading his script and he really wants to know what gonna happen,” pagkukumpara ni Cindy sa dalawang aktor.
View this post on Instagram
Anyway, ang “Reroute” ay isang sexy-suspense-thriller, gagampanan ni Cindy ang karakter na Trina at asawa niya si Dan (Sid) na nagkakaroon ng problema dahil pinaghihinalaan ng huli na may ibang lalaki ang kabiyak.
Napagpasyahan ng mag-asawa na bumisita sa nag-aagaw buhay ng tatay ni Dan sa probinsya sa kanilang pagbyahe, mahaharang sila ng isang roadblock at aabisuhan na sumubok ng ibang daan at mag-reroute.
Sa pinagkamalas-malasan ay masisiraan pa ang kanilang sasakyan sa gitna ng daan, dito nila makikilala ang isang misteryosong lalaki na aalukin sila ng tulong, si Gemo (John).
Iimbitahan ni Gemo ang mag-asawa na magpalipas ng gabi sa kanyang bahay at kinabukasa’y tutulungang ipaayos ang nasirang sasakyan pero pinaghihinalaan na ni Trina ang mga galaw at mga pagtatanong ni Gemo tungkol sa buhay nila ng kanyang asawa.
Si Nathalie ang asawa ni Gemo bilang si Lala na misteryosa rin at bihira lang kung magsalita. Sa pagtuloy ni Trina at Dan sa bahay ni Gemo ay siya ring patuloy nitong pagtatanong ng mga personal na bagay tungkol sa buhay nilang mag-asawa, at lalo nang maghihinala ang dalawa.
https://bandera.inquirer.net/296303/cindy-miranda-gustong-makilala-si-kylie-padilla-bilib-ako-sa-kanya-dahil-sobrang-strong-niya
https://bandera.inquirer.net/289483/cindy-miranda-naging-emosyonal-sa-presscon-nang-mapag-usapan-ang-hiwalayang-aljur-at-kylie
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.