HOROSCOPE September 15, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Gamitin ang isip.Mas mainam  magpakatuso upang yumaman. Sa pag-ibig, wag magpa-impluwensiya sa maluhong pamumuhay ng kasuyo. Tandaang higit na mahalaga ang pera kaysa sa pag-ibig. Mapalad ang 1, 9, 27, 37, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Blue at silver ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) – Wag maging over-conscious sa sarili. Hindi dapat intindihin ang sinasabi iba! Sa pribado at maksariling pamumuhay mas madali kang uunlad. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat paglaanan ng oras, ang kasuyong Leo. Mapalad ang 3, 18, 21, 36, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trium-Savitra-Om” Purple at pink ang buenas.
 Taurus – (April 20-May 20)              – Pahalagahan ang mga bagay na nasa saiyo. Sa career, mahalin ang trabaho, mahirap mawalan ng hanap buhay sa panahon ngayon. Sa pag-ibig, kakaibang romansa ang ipalasap sa kasuyo upang di ka nya iwanan. Mapalad ang 6, 12, 30, 36, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Deva-Om.” White at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)      – Sa patuloy na pagsisipag, biglang madodoble ang kita. Sa pag-ibig, hinahanap ka  ng isang Sagittarius paunlakan mo ang kanyang paanyaya. Mapalad ang 6, 30, 33, 39, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dosya-Om.” Silver at lavender ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)-           Ganyan talaga kapag Setyembre at Oktubre na maraming mangunutang mahirap kasi ang buhay ngayon. Kung namumrobema ka rin sa salapi,  masosulusyonan yan kung uutangan muna nag kasuyong Scorpio. Mapalad ang 6, 17, 27, 36, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kubera-Aum-Regama.” Gareen at lilac ang bueans.
Leo – (July 23 – August 22)            – Sa kabila ng unti-unti ng nauubos ang pera biglang may darating na grasya.  Sa pag-ibig, tuloy ang masayang pakikipag-relasyon sa isang Sagttarius.  Mapalad ang 3, 12, 21, 36, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Migeta-Om.” Yellow at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) –           Hindi dapat magsawa sa iyong ginagawa, alalahanin mong dyan ka kumikita ng pera. Sa pag-ibig, tama ang suwestyon ng kasuyo, kailangang muli kayong magkita upang muling sumigla ang relasyon. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om.” Violet at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)           – Mag-isip ng dagdag pagkakakitaan. Bagong side line at bagong kalakal na may kaugnayan sa tubig at pagkain ang dapat. Sa pag-ibig, simulan ng maghanap ng bagong mamahalin sa katauhan ng isang Aquarius. Mapalad ang 8, 17, 26, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Akyata-Om-Purana.” Green at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)                – Tuloy ang pag-angat ng kita, ngunit bakit nga kaya hindi lubusang masaya? Sa pag-ibig, tama ang iyong sapantahan, sa isang Cancer matatagpuan ang ganap na ligaya. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Purple at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)                – Lumalamig ang panahon, ngunit ang elementong init ang nagbibigay ng suwerte sa mga Sagittarius.  Makipag-romansahan sa kasuyo at muling painitin ang mag-hapon. Sa kalakal na may kaugnayan sa init at apoy malaking halaga ang kikitain. Mapalad ang 3, 9, 23, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Red at silver ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) –          Wag apurahin ang pag-unlad! Sa inot-inot na pag-iipon mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, dispatsahin na ang kasuyong Leo na wala namang silbi, palitan ng isang Cancer. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36, at 47. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Manu-Om-Horan.” Green at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)             – Sa pagsasakprisyo alang-alang sa iba, mas malaking salapi ang iyong kikitain. Sa pag-ibig, ganon din, iukol ang lahat ng bagay para sayong minamahal. Sa ganyang paraan ka uunlad at magiging maligaya. Mapalad ang 2, 13, 25, 34, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sol-Dasa-Om.” Beige at orange ang buenas
Pisces – (February 19 – March 20)                 – Mahirap talagang malayo sa pamilya, subalit kailangang tiisin upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, kung paanong lagi mo siyang naalala, ganon din naman siya sayo. Sa muli nyong pagkikita lalong sasarap ang romansa! Mapalad ang 4, 8, 17, 24, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.” White at gold ang buenas.

Read more...