GABICA kinapos sa WORLD 9-BALL

SA kauna-unahang pagkakataon ay umabot sa championship match ng World 9-Ball Championship  ang Pilipinong si Antonio “Ga-Ga” Gabica Biernes ng gabi sa Al Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Ngunit kontra sa isa sa pinakamahusay na pool player ng mundo ay tumiklop ang Cebuano at nagkasya na lamang sa pangalawang puwesto sa pinaka-prestihiyosong billiards tournament ng mundo na inoorganisa ng World Pool-Billiards Association.

Sa iskor na 13-7 ay nakopo ni Thorsten Hohmann ng Germany ang pangalawa niyang titulo sa World 9-Ball Championship. Una siyang naging kampeon noong 2003 sa Taiwan nang talunin niya sa finals ang isa pang Pinoy na si Alex Pagulayan.

Si Hohmann ay isa sa apat na manlalaro na may dalawa o mahigit pang World 9-Ball title. Bago siya ay nakadalawa na sina Johnny Archer ng Estados Unidos at Fong Pang Chao ng Taiwan.

Hawak naman ng Amerikanong si Erick Strickland ang record na may tatlong korona sa torneyong ito.Sa semis, binigo ng 41-anyos na si  Gabica si Karl Boyes ng Great Britain, 11-6, habang pinatalsik naman ng 34-anyos na si Hohmann ang Bugsy International Promotions player na si Carlo Biado, 11-4.

Ibinulsa ni Hohmann ang $36,000 premyo at si Gabica naman ay nanalo ng $18,000. Sina Biado at Boyes ay nakapag-uwi ng $10,000 cash purse bawat isa.

Read more...