Christine Samson masayang sinalubong ang 2022 kasama ang dyowa

MAGANDA ang pasok ng taon para sa model at social media influencer na si Christine Samson dahil sinalubong niya ito kasama ang dyowang si Justin Vasquez.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Christine ang sweet nilang photos together nang salubungin nila ang 2022.

“Best time for new beginnings is now. Wishing you all a Happy New Year!” saad niya sa caption.

Si Justin Vasquez ang kauna-unahang dyowa ni Christine ngunit tila sinubok ang kanilang relasyon last year kaya sila naghiwalay.

Hindi naman kinumpirma ng dalaga ang kanilang hiwalayan pero may mga chika na kumalat na nagpunta sa Siargao last year si Christine para mag-soul searching dahil nga naghiwalay sila noon ni Justin.

At ngayon nga ay mukhang “comeback is real” para sa dalawang magsing-irog na nag-celebrate ng New Year nang magkasama.

Agad namang umani ng komento ang Instagram post ni Christine.

“Naks, nagbalikan na!” comment ng isang netizen.

“Emegherd. Sana ol may plot twist,” saad naman ng isa pang netizen sa post ni Christine.

“OMG! Happy New Year!” sey naman ng actress at vlogger na si Jelai Andres.

“Daming naghiwalay last 2021, so this 2022 comeback year lang din pala,” hirit naman ng isang netizen.

Speaking of hiwalayan, isa si Christine sa mga naging matunog ang pangalan sa nagdaang taon matapos siyang madawit sa hiwalayan na ng vlogger na si Wil Dasovich at ng cosplayer at entrepreneur na si Alodia Gosiengfiao.

Marami kasi ang nagturo sa dalaga bilang “third party” diumano ng dalawa.

Wala namang naging pahayag sina Christine ukol dito kaya naman marami ang patuloy na nag-akala na may katotohanan ang kumakalat na chika.

Mas umugong pa ang tsismis nang maglabas ng statement ang kumpanya nina Alodia na Tier One Entertainment na hindi na under sa kanilang management si Christine.

Pero ngayon nga ay tila ito na ang sagot sa matagal nang katanungan ng mga netizens dahil masaya na si Christine sa piling ng kanyang dyowang singer.

Marahil ito na ang katapusan ng pagdadawit ng pangalan ng dalaga sa nagtapos na relasyon nina Alodia at Wil at oras na rin para mag-move on ang mga “Marites” sa isyu.

Related Chika:
Christine Samson damay sa hiwalayang Alodia-Wil; third party nga ba?

 

Read more...