Vice Ganda inunahan ang mga bashers: Kumalma kayo! Nagawa ko ang dapat kong gawin

Vice Ganda inunahan ang mga bashers: Kumalma kayo! Nagawa ko ang dapat kong gawin

KAMAKAILAN ay ibinahagi ni Vice Ganda sa kanyang YouTube vlog ang kaniyang last minute shopping para sa mga Christmas gifts na ibibigay niya sa kanyang pamilya.

Pero bago pa man siya makarating sa mall ng isang sikat na hotel para mamili ay nagbigay na agad ng mensahe si Vice sa mga posibleng kumuwestyon sa kanyang maluhong pamimili.

“Sa mga dalahirang tsismosa dyan na sasabihin na ‘Naku! Nagsya-shopping pa sa panahon na ito, ang daming nasalanta ng bagyo’ mga dalahirang ganyan.

“Kumalma kayo. Para sa ikapapanatag ng loob n’yo, huwag kayong mag-alala, nagawa ko ‘yung dapat kong gawin kaya wag na kayong mag-isip isip ng kung anu-ano pa at sasabihin n’yong ‘Naku! Ang dami-daming nasalanta. Ang daming walang pera, hindi kumakain, walang tubig. That is so insensitive!’ Kumalma kayo, mga dalahira kayo dyan,” sey ni Vice.

Ang nais iparating ng TV host-comedian ay bago pa man siya gumastos para sa pamimili ng regalo ay nagpaabot na siya ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Matatandaang kamakailan ay sinalanta ang ating bansa ng super typhoon Odette na sumira ng napakaraming ari-arian pati ng rin ng kabuhayan ng ating mga kababayaan sa Visayas at Mindanao.

Mukhang wala namang balak si Vice na i-broadcast ang kanyang pagtulong ngunit marahil ay ayaw na rin niyang makabasa ng mga negatibong komento lalo na at panahon ng Kapaskuhan.

Sey pa nga ng kaibigan at kasama ni Vice sa kanyang vlog na tinawag niyang “Donna” ay hindi naman daw kinakailangan pang isapubliko ang pagtulong.

Samantala, marami naman ang naaliw sa pagsya-shopping ni Vice at ng kaibigan dahil kahit mamahalin ang mga brands na kanilang binibili ay hindi naman ito tunog nagmamayabang.

May mga pasundot-sundot pa ngang pag-alala ang dalawa sa kanilang nakaraan noong hindi pa nila afford ang bumili ng ganong kamahal na gamit.

Comment ng mga netizens, mas nai-inspire pa raw silang magtrabaho para sa susunod ay masubukan rin nila ang natatamasa ni Vice.

“Thank you Vice for sharing this experience. Isang reminder ulit na kailangan magsikap sa buhay para makamit ang mga gustong bagay at mkatulong sa iba. Thank your for being an inspiration!” comment ng isang netizen.

“Thank you ate vice for being an inspiration!Mas lalo akong naganahan na mag aral ng mabuti at magkaroon ng magandang trabaho para matulungan ko yong family ko at mabigay ang kanilang mga pangangailangan!” saad ng isang netizen.

“After watching this video, I also want to let my mom experience this kind of life. This life is so much but what I promise myself today is to one day see my mom happy , travelling the world she deserves to see and buy her everything she wants. The ultimate dream is to see her not over working and to see her smile everyday. I know this day will come, I’m praying for it,” sey pa ng isang netizen.

 

Related Chika:
Vice napaiyak nang muling mag-concert sa US: Na-stress talaga ‘ko! Bigla akong natahimik…
Lolit pinayuhan si Vice Ganda ukol sa bashers: Hayaan mong pumutak sila

Read more...