NAGPARAMDAM na ang tinaguriang “Singing Sweetheart ng Siargao” na si Anji Salvacion sa madlang pipol pagkalabas niya ng “Pinoy Big Brother” house.
Si Anji at ang isa pang celebrity housemate na si Alyssa Valdez na binansagang “Heartstrong Phenom ng Batangas” ang itinanghal na Top 2 sa edisyon na ito.
Sa unang araw niya sa outside world, after her journey sa “PBB Kumunity Season 10” celebrity edition, nag-post si Anji sa social media ng kanyang litrato kasabay ng pasasalamat sa supporters niya.
Ibinahagi niya sa Instagram ang kanyang super cute na litrato na kuha sa harap ng “PBB’ house habang may hawak na lobo at bouquet of flowers.
Aniya sa caption, “It’s my first day out here in the outside world and words cannot describe how blessed, grateful, and loved I feel right now.”
“Maraming maraming maraming salamat po sa lahat ng mga sumusuporta sa akin since day one of my journey hanggang sa last day ko sa bahay ni kuya,” mensahe pa ng isa sa “PBB: Kumunity” Top 2 celebrity housemates.
Humingi naman ng paumanhin si Anji sa kanyang mga fans and supporters dahil hindi pa siya masyadong nakakapag-post ng mga bagong kaganapan sa kanyang buhay at career.
“I’m sorry I felt so overwhelmed today I haven’t really been able to be active sa social media. Again thank you so much I genuinely appreciate each and every one of you I love you all,” chika pa ni Anji.
In-announce ng production last Sunday na magkakaroon ng Top 2 housemates sa bawat batch ng “PBB” season 10 — dalawa sa celebrity edition, dalawa sa adults at dalawa sa teens.
At para sa finals, maglalaban-laban ang lahat ng tatanghaling Top 2 para sa titulong big winner ng season 10.
https://bandera.inquirer.net/302006/alyssa-anji-waging-top-2-sa-pbb-10-madam-inutz-brenda-mage-samantha-nagbabu-na
https://bandera.inquirer.net/294805/madam-inutz-alyssa-valdez-pasok-na-sa-pbb-season-10-bilang-celebrity-housemates