TV executive hinding-hindi na kukuha ng mga artistang alaga ng kilalang talent manager

BLACKLISTED pala ang lahat ng talents ng kilalang talent manager sa isang TV network sa hindi malamang dahilan dahil hindi naman binanggit ng TV executive sa mga kausap nitong direktor.

Takang-taka raw ang mga direktor na ka-meeting ni TV executive na may mataas na posisyon sa isang network para ilatag ang kanilang mga proyekto at halos lahat naman ay nagustuhan pero binigyan sila ng certain time kung kailan nila ito isu-shoot at ipalalabas.

Sobrang excited ang mga taong involved sa meeting at kanya-kanya nang batuhan na ng mga artistang gaganap sa bawa’t role.

Pero laking-gulat ng mga kausap na direktor ni TV executive dahil sinabihan silang kahit hindi gaanong sikat at pasisikatin na lang ng network basta’t huwag lang galing sa kilalang talent manager.

Nagkatinginan na lang daw ang lahat at may naglakas-loob na magtanong pero ngumiti lang si TV executive.

Bigla tuloy naming inisa-isa ang mga talent ng kilalang manager na pawang mga sikat nga pero medyo may nababalitaan kaming may attitude ang iba lalo na ang kilalang aktres na nagbida na sa isang TV series.

May aktor din na hindi pa man nagsisimula ang trabaho ay nagsasabi na agad kung hanggang anong oras lang siya puwedeng mag-shoot, at ‘yung isang aktres naman ay feeling magaling dahil lagi siyang may suggestion sa direktor at sa kaeksena niya.

E, mga artista pala ang may diperensiya hindi ang kilalang talent manager na kawawa naman dahil nadadamay sa perwisyong dulot ng  mga alaga niya.

“Hindi niya kasi kayang pagsabihan o pagalitan, e, kasi takot na baka hindi niya makuha ang komisyon niya,” katwiran naman ng nasa meeting.

https://bandera.inquirer.net/301677/sikat-na-celebrity-may-hugot-sa-kilalang-aktor-ang-hilig-niyang-mamikon-tapos-siya-pikon

https://bandera.inquirer.net/295168/lauren-dyogi-nagsalita-na-kung-siya-ba-talaga-ang-mystery-kuya-sa-pbb

Read more...