RICHARD iniligtas si SARAH LAHBATI sa kahihiyan, ayaw pa ring umaming tatay na | Bandera

RICHARD iniligtas si SARAH LAHBATI sa kahihiyan, ayaw pa ring umaming tatay na

Cristy Fermin - September 15, 2013 - 03:00 AM

Isang masarap na suporta mula sa kanyang mga kapatid ang tinanggap ni Raymond Gutierrez sa unang sultada ng Showbiz Police kagabi.

Dumating para maging bisita ni Raymond sa kanyang segment ang kanyang ateng si Ruffa at ang kanyang kakambal na si Richard.

Naging masaya ang kanilang pagtatanungan at pagsasagutan, masaya ang kanyang mga kapatid dahil may bagong pinagkakaabalahang trabaho ngayon si Raymond, ayon kay Ruffa ay kinakarir talaga ngayon ng nakababata nitong kapatid ang pagiging host ng Showbiz Police.

“Siya pa ang nag-iisip ngayon kung sino ang susunod niyang inuupo bilang guest, para siyang talent coordinator, pinaghahandaan niya talaga ang show!” kuwento ni Ruffa.

Sa kanilang pagpapalitan ng kuwento ng kanyang kakambal na si Richard ay naitanong ni Raymond kung meron na bang karagdagang miyembro ang kanilang pamilya, balitang-balita kasi na tatay na ngayon si Richard sa kanilang anak ni Sarah Lahbati.

Tumingin muna nang diretso si Richard sa kakambal nito, parang nagulantang sa tanong ni Raymond, pero agad namang nakaapuhap ng maisasagot ang aktor.

Gusto man daw nitong magkuwento tungkol kay Sarah at sa mga isyung kumakalat ngayon tungkol sa kontrobersiyal na aktres ay mas gusto muna ni Richard na manahimik dahil marami pang ibang pinoproblema ngayon si Sarah.

Sabi nga ng isang nakapanood ay napakadali namang sinagot na lang ni Richard ng oo o hindi ang tanong ng kanyang kakambal, pero hindi ganu’n ang kanyang ginawa, kaya maraming nag-isip na totoo ngang nanganak si Sarah sa ibang bansa na si Richard ang ama.

Saka na lang daw sila magsasalita ni Sarah, darating din daw naman ang tamang panahon para linawin ang mga isyung pinagpipistahan ngayon tungkol sa kanilang dalawa, madiin pang pahayag ni Richard Gutierrez. Pasok!

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending