Chesca, Doug, Kendra, Scarlett at Gavin Kramer
“PAGPAPATAWAD”, “respeto” at “bigayan”. Yan ang ilan sa mga sikreto ng mas tumitibay at nag-iinit pang pagsasama ng celebrity couple na sina Chesca at Doug Kramer.
In fairness, isa ang relasyon nina Chesca at Doug sa entertainment industry sa mga matatawag na #CoupleGoals dahil sa tahimik nilang pagsasama as married couple.
Sa loob ng 13 years nilang pagsasama, wala talaga tayong narinig na tsismis o chika na nag-away sila.
Never tayong nakabalita ng kanegahan about them, sa katunayan puro positibo at pampa-good vibes na kuwento ang lagi nilang hatid sa kanilang social media followers.
Pero paano nga ba napapanatili nina Chesca at Doug ang kanilang magandang relasyon? Sabi ng TV host at dating aktres, hindi rin naman sila perfect ng kanyang asawa tulad ng ibang couples.
Aniya, magkakaroon at magkakaroon pa rin talaga ng away, tampuhan at diskusyon ngunit kailangang matuto rin ang isa’t isa na makinig at magpatawad.
“If you see a married couple still in love through the years, you may think how lucky they are. But in marital relations, there is no such thing as luck,” ang bahagi ng paliwanag ni Chesca tungkol sa buhay-mag-asawa.
Diin pa niya, “They made compromises, they overlooked each other’s faults. They forgave many mistakes and endured many problems. They spent years learning to understand each other.”
Naniniwala rin ang celebrity mom na hindi dapat ibinabatay sa swerte ang pag-ibig pati na rin ang haba at tagal ng isang relasyon.
Mas dapat bigyan ng bigat ang pagkakaroon ng respeto sa isa’t isa, mahabang pasensya, pagbibigayan, tamang pag-aalaga at ang pagpapatawad.
“At the end of the day, choosing, and loving each other, and making the marriage work is always a choice,” pahayag pa ni Chesca.
Ikinasal sina Doug at Chesca noong Oct. 9, 2008 at biniyayaan ng tatlong anak — sina Kendra, Scarlett at Gavin.
Samantala, kamakailan nabanggit naman ng mag-asawa kung bakit buong-buo ang tiwala nila sa mga anak, partikular na si Kendra sa pagkakaroon ng sariling social media account.
“You know, the likes, the comments, the views, you can ask any of our kids especially Kendra since you know, she has her Instagram.
“She doesn’t care about the views, she doesn’t care about the likes. She just likes to share her toys, her cats,” ani Cheska sa isang podcast interview.
Aniya pa, “We always tell them, ‘You know in this world you can’t expect everybody to like you, to love you. There are people who don’t like you.’ We always tell her, ‘Kendra, you don’t get validation from people’.
“‘You get validation from the Lord and that should be your foundation. Yeah, you can post pictures. Yeah, there will be people who will comment, ‘wow ang galing mo, ang ganda ganda mo’. Okay, thank you. But don’t let it be your everything,'” diin pa niya.
Para naman kay Doug, mahalaga na maipakita nila sa mga anak ang pagiging mabuting ehemplo, “You know, that starts with us parents, because we can say all of that, but if we don’t do it, then they’ll probably think we’re just trying to exasperate them.”
https://bandera.inquirer.net/295077/promise-ni-doug-sa-13th-wedding-anniversary-nila-ni-chesca-id-marry-you-over-and-over-again
https://bandera.inquirer.net/279962/team-kramer-kasya-sa-isang-kama